• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kampanya laban sa terorismo paiigtingin pa ng gobyerno – PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalo pang palalakasin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa teroristang grupo na patuloy na naghahasik ng karahasan.Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos binigyang pugay ang anim na sundalo na nasawi sa enkwentro laban sa teroristang Dawla Islamiyah sa Lanao del Norte.

 

 

Sinabi ng Pangulo kailanman hindi makakalimutan ang ipinakitang katapangan,kadakilaan at kabayanihan ng anim na sundalo na inalay ang kanilang buhay sa ngalan ng kapayapaan.

 

 

Siniguro ng Presidente na hindi masasayang ang ipinaglaban ng mga nasawing sundalo dahil ipagpapatuloy ng gobyerno ang kanilang laban at sisiguraduhin na mananagot ang mga kalabang ito sa batas.

 

 

Pangako ng Pangulo na makakatanggap ng karampatang tulong mula sa gobyerno ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo.

 

 

Inatasan din nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na paigtingin pa ang kampanya laban sa terorismo.

 

 

Kasalukuyang nagpapatuloy ang manhunt operation ng 1st Infantry Division ng Philippine Army. (Daris Jose)

Other News
  • Isiniwalat din ang mga pinagdaanan sa buhay: KARLA, inamin kay KORINA na masaya sa partner na gustong makasama sa pagtanda

    SA latest episode ng ‘Korina Interviews’ ng NET25 na napanood kahapon (Dec. 11), may inamin si Karla Estrada kay Korina Sanchez-Roxas.   “Masayang-masaya ang puso ko, ang tagal mo namang magtanong, ” natatawang tugon ni Queen Mother kay Ate Koring dahil in love na in love siya sa kanyang partner.   “Oo, hindi ako napapagod […]

  • Ancajas may mga adjustments na binago para sa rematch niya kay Martinez

    BINAGO  ng kampo ni Jerwin Ancajas ang mga teknik na ipinapagana.     Sinabi ng kaniyang coach na si Joven Jimenez, ang mga adjustments na kanilang ipinatupad ay para hindi na maulit ang nangyaring pagkatalo ng Filipino boxer kay Fernando Martinez ng Argentina.     Ang nasabing mga adjustments ay para mabawi nito ang kaniyang […]

  • Speaker Romualdez, Tingog itinulak agarang pagbibigay ng P20M ayuda sa mga nasunugan sa Tondo

    ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., itinulak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Tingog Partylist ang agarang pagpapalabas ng P20 milyong halaga ng cash assistance para sa may 2,000 pamilyang nasunugan sa Barangay 105 Aroma sa Tondo, Manila noong Sabado.     Ang tig-P10,000 tulong sa bawat pamilyang nasunugan ay kukunin sa […]