Kandidatura ni Quiboloy, pinapakansela
- Published on October 18, 2024
- by @peoplesbalita
PINAKAKANSELA ang Certificate of Candidacy (COC) ng nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa material misrepresentation.
Sa 7 pahinang petisyon na inihain sa Commission on Elections (Comelec) ni Labor leader Sonny Matula at ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP), ang nominasyon ni Quiboloy bilang kandidato ng WPP ay “walang katotohanan at legal na batayan at, ang kanyang CONA, ay ginawa ng mga hindi awtorisadong tao.
Iginiit din ng WPP na ang kontrobersyal na lider ng relihiyon ay hindi miyembro ng partido o guest candidate.
Ang petisyon laban sa kandidatura ni Quiboloy ay matapos na pinirmahan umano ni Matula ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) nito bagay na itinanggi naman ng Labor leader.
Dagdag pa, sinabi ng WPP na si Quiboloy ay “pinagsasamantalahan lamang ang proseso ng elektoral bilang isang smokescreen para ilihis ang atensyon mula sa mabibigat na kasong kriminal na kanyang kinakaharap.
Samantala, naghain din ng petisyon ang kampo ni Quiboloy na pinadedeklara si Matula bilang nuisance candidate. GENE ADSUARA
-
Posibleng mailagay na sa ‘low-risk’ sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR) sa pagtatapos ng Oktubre.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, nag-peak na ang virus cases sa NCR at sa ngayon ay nakakapagtala na lang ng seven-day average na 2,000 bagong kaso. Wala rin silang nakikitang anumang variant of concern na nagbabanta ngayon kaya’t sa tingin nila ay magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 […]
-
4.4 milyong Pinoy makikinabang sa P106 bilyong 4Ps funds
HIGIT 4.4 milyong pamilyang Filipino ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon taon. Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ?106.335 bilyon ang inilaan sa 4Ps na mas malaki kumpara noong 2023 na P102.610 bilyon. Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng ?750 […]
-
Mahigit 820 patuloy pa ring nananatili sa mga evacuation center
NANANATILI pa ring tumutuloy sa iba’t ibang evacu- ation centers sa bansa ang nasa 207, 518 pamilya o katumbas ng 820, 030 indibidwal mula sa Regions 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Cordillera Administrative Region at National Capital Region. Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Sec […]