Mahigit 820 patuloy pa ring nananatili sa mga evacuation center
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
NANANATILI pa ring tumutuloy sa iba’t ibang evacu- ation centers sa bansa ang nasa 207, 518 pamilya o katumbas ng 820, 030 indibidwal mula sa Regions 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.
Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Sec Rolando Bautista na pinakamarami rito ay mula sa Region 5 kung saan nasa 27,540 na pamilya o 109,961 katao ang pansamantalang kinakanlong sa 1,024 na mga evacuation centers.
Sinasabing, sinundan naman ito ng Calabarzon na mayroong 20,915 pamilya o katumbas ng 77, 428 indibidwal ang nananatili sa 832 na mga evacuation centers.
Tinatayang, nasa 12,904 pamilya o 46, 403 indibidwal ang nakituloy sa kanilang mga kamag anak o kaibigan mula sa Regions 2, 3, 5, Calabarzon at CAR.
Kaugnay nito, nakapagbigay na ang DSWD ng P8.3M tulong sa mga apektadong residente na kinabibilangan ng food packs, non food items at hygiene kits.
Nagsasagawa rin ang ahensya ng psychosocial intervention katuwang ang DOH at tiniyak din nito na mayruong mga women & children’s desk upang maprotektahan ang karapatan ng mga kababaihan kasama na ang mga kabataan.
Samantala, mahigpit ding ipinatutupad ang health safety protocols sa ibat ibang evacuation centers nang sa ganon ay hindi kumalat ang Covid-19 infection.
-
JULIE ANNE, dream come true na makita ang billboard ads sa Times Square; kasama ang ‘Free’ sa EQUAL Playlist ng Spotify
INAMIN ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na dream come true sa kanya na makita ang billboard ads niya sa pamosong Times Square sa New York City. At nangyari na nga ito dahil sa EQUAL Playlist ng Spotify. Pinost niya sa kanyang Instagram ang photos at may caption na, […]
-
Countdown sa hosting ng bansa sa Volleyball Men’s World Championship sinimulan na
Sinimulan na ng Pilipinas ang isang taon na countdown para hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025. Bilang bahagi ng paghahanda ay nagsagawa ng isang konsyerto ang sa Kalayaan Grounds ng Malacañang nitong Linggo ng gabi. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na ang “PH to Serve” ay isinagawa para […]
-
17.9 milyong mag-aaral naka-enrol na – DepEd
INIULAT ng Department of Education (DepEd) na umaabot na sa higit 17.9 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala na para sa susunod na pasukan. Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023, nabatid na hanggang alas-7 kahapon, nakapagtala na ang DepEd ng kabuuang 17,900,833 enrollees. […]