• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapag umigting ang tensyon sa Taiwan: Pinas, hindi kakayanin

UMAMIN si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi kakayanin ng Pilipinas at  Southeast Asian nations na umigting pa ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at  China na may kinalaman sa kamakailan lamang na byahe ni  Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.

 

 

Sa isang meeting kasama ang bumisitang si  US Secretary of State Antony Blinken, sinabi ni  Manalo na ” escalation could risk creating instability in the region, especially as the world is just recovering from the effects of the coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.”

 

 

“We can ill-afford any further escalation of tensions in the region, because we are already facing a number of challenges getting our economy back to work, especially because of the Covid-19 pandemic. And we all know that no one country will be able to deal with all these issues on their own,” anito.

 

 

“We look at the United States, a very important ally, our dear friend, as we chart our path forward,” dagdag na pahayag ni Manalo.

 

 

Sa kabilang dako, determinado naman ani Blinken, ang Washington DC na ”  to act responsibly” upang maiwasan ang krisis at labanan sa rehiyon.

 

 

Aniya pa, ang  US “always stands by” sa partners  nito. Tinukoy ang  “deep concerns” na ipinahayag ng mga bansa kabilang na ang Pilipinas ukol sa pinakabagong  developments sa Taiwan Strait.

 

 

“Maintaining peace and stability across the Taiwan Strait is vital, not only for Taiwan, but for the Philippines, and many other countries. What happens to the Taiwan Strait affects the entire region. And in many ways, it affects the entire world because the strait, like the South China Sea, is a critical waterway,” ani Blinken  sa  post-bilateral presser.

 

 

“The United States doesn’t believe that it’s in the interest of Taiwan, the region or our own national security to escalate that situation,”ang pahayag nito.

 

 

Tiniyak din niya na ipapanatili ng Estados Unidos na bukas ang “channel and communication” sa China upang maiwasan ang anumang  miscalculation dahil sa misunderstanding o miscommunication. (Daris Jose)

Other News
  • Nagli-lipsync sa song na “Part of Your World’: DENNIS, kinaaliwan ng mga netizen sa Tiktok video post

    NABU-BULLY noong bata si Yasser Marta dahil sa pagiging “mabalahibo” niya.     Ngayon ay tanggap na niya ang pagiging balbon bilang isang asset ng kanyang pagiging Kapuso hunk.     “Kasi noong bata ako, binu-bully ako dahil sa buhok eh. Unggoy daw, laging sinasabing buhok na tinubuan ng tao. Natutunan ko na rin pong […]

  • Human trafficking case vs Alice Guo isasampa sa Pasig court – DOJ

    NAKATAKDA nang ihain ng Department of Justice (DOJ) ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ngayong linggong ito. Ito ay kasunod na rin nang pagpayag ng Supreme Court (SC) sa ­hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa naturang kaso mula sa […]

  • Apela sa publiko, huwag paniwalaan ang oposisyon

    NIRESBAKAN at muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang oposisyon na aniya’y nag-aambisyong makabalik.   Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay huwag paniwalaan ang oposisyon na wala namang ginagawa kundi ang mamulitika.   “The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik. […]