• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapalaran ng Pacquiao-Crawford bout malalaman ngayong linggo – Arum

Malalaman umano ngayong linggo kung matutuloy ba o hindi ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Terence Crawford.

 

 

Ayon kay Top Rank Promotions CEO Bob Arum, mayroon daw investor na handang maglabas ng pera para sagutin ang napakamahal na site fee matuloy lamang ang nasabing megafight.

 

 

“Somebody is willing to spend big money to get the Crawford-Pacquiao fight and the site fee, that then distorts everything,” wika ni Arum.

 

 

Kung maaalala, nasa pangangalaga ni Arum si Pacquiao bago ito kumalas sa Top Rank noong 2017.

 

 

Una rito, humingi ang Fighting Senator ng $40-million para sa laban nito kay Crawford.

 

 

Maliban kay Crawford, inihayag pa ni Arum na ilan pa sa posibleng makaharap ni Pacquiao ay sina unified welterweight champion Errol Spence at si Mikey Garcia.

Other News
  • Pumirma sila ng waiver na payag gawin ang eksena: RHIAN, first time na nakipag-love scene na hindi lang isa kundi dalawa pa

    BALIK-HOSTING si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, pagkatapos ng huli niya, na StarStruck 7.       Muling iho-host ni Dingdong ang Family Feud, ang Philippine version ng popular American game show na muling ibabalik ng GMA-7.     Ito ang ipapalit ng GMA-7 sa Dapat Alam Mo  ang informative show hosted by Kuya Kim (Kim Atienza), […]

  • Ipasa ang Anti-Endo Law

    KINALAMPAG ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na ipasa ang batas na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor.   Ito’y makaraang manawagan ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa contractualization na isa sa ipinangakong […]

  • Malakanyang, binuweltahan si Senador Lacson

    NIRESBAKAN ng Malakanyang si Senador Panfilo Lacson matapos nitong pasaringan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-“refresh” ng Pangulo ang kanyang memorya sa pamamagitan nang pagbasa sa Article VII, Section 21 ng 1987 Constitution kung saan nakasaad na walang anumang tratado o international agreement ang magiging valid at epektibo maliban na lamang kung niratipikahan […]