• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects: ALEXA, mahilig talaga sa alahas kaya nireregaluhan ang sarili

MAHILIG sa alahas si Alexa Ilacad kaya bagay siyang endorser ng Manila Diamond Studio na may bagong branch sa 5th Floor ng Edsa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City.

 

 

Nireregaluhan raw ni Alexa ang kanyang sarili ng alahas kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects niya.

 

 

“Yes, actually! Kaya nga po ngayon nagtitingin-tingin din ako, kasi although nagte-taping pa kami, hindi ko pa siya deserve,” at tumawa ang magandang Kapamilya actress na malapit nang mapanood sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’ ng ABS-CBN.

 

 

“Pero nagtitingin-tingin na po ako [ng mabibiling alahas], kasi…well that’s also a way to keep yourself inspired, you know, to keep that passion burning, kasi hindi puwedeng magastos lang tayo,” at tumawa si Alexa.

 

 

“Kailangan hardworking din para ma-sustain natin yung luho natin and yung mga wants natin, sabi nga ni Mimiyuuuh bawal daw ang tamad,” at muli itong natawa.

 

 

“So iyon po, kaya whenever I eye something I really know I have to work hard for it, kasi ayoko naman bili lang ng bili and I’m not able to save money, yun naman po ang pinaka-importante sa akin, yung makapag-ipon ako.”

 

 

Naka-focus siya sa goal niya na maglalabas siya ng pera para sa alahas dahil magandang investment ito.

 

 

“Opo, tsaka naglalabas lang po ako ng pera kapag alam kong investment piece nga po siya, hindi lang sa jewelry kundi sa ibang mga gamit, like also with bags. I don’t just buy any bag, I buy the classic pieces, na I know overtime e walang ibang ginawa kundi mag-price increase, so dun ako…lagi kong iniisip mabebenta ko ba ‘to if ever? Mapagkakakitaan ko kaya ‘to? Ganun po yung lagi kong iniisip.”

 

 

KASALUKUYANG napapanood si Christian Vasquez ng sabay sa dalawang teleserye, sa ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA-7 at sa ‘The Iron Heart’ ng ABS-CBN.

 

 

Ano ang masasabi niya na napapanood siya sa rival stations sa bansa?

 

 

“Nakakatuwa, nakakatuwa. Yung feeling kasi na nakikita mo yung characters mo na magkaiba,” bulalas ni Christian.
Gumaganap si Christian sa ‘Voltes V: Legacy’ bilang Boazanian na si Zambojil at sa ‘The Iron Heart’ naman bilang si Orcus.

 

 

“So natutuwa ako… magkaiba sila, e. So parang as an actor na pakiramdam ko na nagagawa ko yung trabaho ko ng maayos.”

 

 

Una raw nag-taping si Christian para sa ‘Voltes V: Legacy’ at tapos na ang taping nila para sa top-trating sci-fi series ng Kapuso Network.

 

 

Ongoing pa raw ang taping ng ‘The Iron Heart’.

 

 

Samantala, gaganap bilang si dating Senador Manny Villar si Christian sa bagong pelikulang ‘Kuya: The Governor Edwin Jubahib Story’.

 

 

Isa itong biopic feature film na pagbibidahan ng award-winning actor na si Richard Quan at tungkol sa buhay ni Governor Edwin Jubahib ng Davao Del Norte at sa direksyon ni Francis “Jun”Posadas.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Marcos, pinag-uusapan na ang posibleng appointments ni Rep. Marcoleta, Prof. Carlos

    MASUSING kinakausap na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta at retired UP Professor Clarita Carlos kaugnay sa potential appointments sa ilalim ng kanyang administrasyon.     Sa press briefing, sinabi ni Marcos na hinihintay pa niya ang tugon nina Marcoleta at Carlos sa kung ano ang magiging roles o […]

  • Diaz pormalidad na lang ng pagpasok sa Tokyo Games

    KABILANG sa top eight sa International Weightlifting Federation (IWF) world ranking sa women’s 55-kilogram event ang mga magku-qualify para  sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021.   At sa pag-okupa sa No. 2 sa kasalukuyan, halos pasok na rin ang 29 na taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga […]

  • Mahigit 31-K pamilya sa MIMAROPA at Western Visayas, apektado na ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro

    INIULAT ng NDRRMC na patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog naMT Princess Empress   sa bahagi ng Oriental Mindoro.     Sa datos ng NDRRMC, umabot na sa 31,497 ang bilang ng mga pamilya mula sa lalawigan ng MIMAROPA at Western Visayas  ang naapektuhan na ng malawakang oil […]