KAPISTAHAN NG STO. NIÑO SA MAYNILA, NAGING MATAGUMPAY AT MAPAYAPA
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
SA kabuuan, naging mapayapa ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan bunsod na rin sa maagang paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso katuwang ang buong kapulisan ng Manila Police District (MPD).
Pinasalamatan naman ni Domagoso ang publiko partikular na ang mga deboto ng Sto. Niño dahil sa pagkakaroon nila ng kusang disiplina at pagsunod sa ipinapatupad na minimum health protocols dahil na rin ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.
Bukod sa mga deboto, pinasalamatan din ng Alkalde ang buong MPD sa pamumuno ni District Director P/Brig. Gen. Leo Francisco dahil sa agaran nilang paghahanda ilang araw bago pa man ipagdiwang ang nasabing Kapistahan.
Pinaigting ni Gen. Francisco ang “police visibility” sa mga lugar na sakop ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño partikular na sa Tondo at Pandacan kung saan mahigpit nilang ipinatupad ang mga umiiral na batas at kautusan ng Alkalde tulad ng pagsusuot ng facemask, liquor ban, at pagsunod sa health protocols tulad ng physical distancing.
Ipinatupad din ng MPD ang “zero vendor” at “zero obstruction” sa paligid ng simbahan sa Tondo at Pandacan kaya’t naging maayos, maaliwalas at maluwag ito para sa mga deboto na nagsimba at nakiisa sa Pista ng Sto. Niño.
Batay naman sa datos ng MPD, umabot lamang sa kabuuang bilang na 26 ang lumabag sa ipinapatupad na liquor ban sa Tondo at Pandacan nitong nagdaang kapistahan. (GENE ADSUARA)
-
KLAY THOMPSON 10 triples 41 points laban sa Rockets
HOUSTON — Umiskor si Klay Thompson ng season-high na 41 puntos at nagdagdag si Steph Curry ng 33 nang talunin ng Golden State Warriors ang Houston Rockets, 127-120, noong Linggo ng gabi (Lunes, oras sa Maynila) para sa kanilang unang panalo sa kalsada. Nakuha ng Warriors ang 0-8 simula palayo sa bahay upang umunlad […]
-
Mikael at Megan, nagsawa sa city at susubukang tumira sa probinsya
SUSUBUKAN ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez ang tumira ng isang buwan sa Subic. Nabanggit nila noon sa kanilang podcast at gusto nilang masubukan ang tumira sa probinsya kunsaan tanaw nila ang mga bundok at maraming puno sa paligid. Nagsawa raw kasi sila sa pagtira sa city lalo na noong magkaroon ng […]
-
PDu30, balik-Davao pagkatapos ng termino sa June 2022
PLANONG bumalik ng Davao si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa oras na natapos na niya ang kanyang termino sa Hunyo 2022. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay tugon sa ulat na di umano’y pilit na pinalulutang ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo na ideya na tatakbo bilang vice president […]