Kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
Biglang naging kuya ng mga bagong Kapuso stars si Kristoffer Martin sa lock-in taping nila ng aabangan na teleserye titled Babawiin Ko Ang Lahat.
Nanibago raw si Kristoffer dahil nasanay siyang mga kaedad niya o mas may edad sa kanya ang mga nakakatrabaho niya sa teleserye. Ngayon daw ay tawag sa kanya ay “kuya” at parang may obligasyon siyang alagaan ang mga baguhan na ito sa taping nila.
Post niya sa IG: “The support from this group is really amazing. Di mo ramdam yung pagod when you have a good circle. Iba suportahan sa isa’t-isa. For keeps tong mga bagets na to. (Ako kasi pinakamatanda ) So ayun na ngaaa. Abangan natin ang “Babawiin ko ang lahat” sa GMA. Orayt??”
Nag-post din ang Kapuso hunk ng TikTok video kasama sina Manolo Pedrosa at Dave Bornea.
Sa lock-in taping din nag-celebrate ng kanyang 26th birthday si Kristoffer noong nakaraang November 20.
*****
Sa kawalan ng raket dahil sa COVID-19 pandemic, kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model.
Humingi ng saklolo ang male model sa kanyang kapatid na naka-base na sa ibang bansa. Di na raw niya na-maintain ang nakasanayan niyang lifestyle dahil mabibilang sa kanyang mga daliri sa kamay ang trabahong dumarating.
Hindi raw tulad last year na si male model na ang sumusuko dahil na o-overbook siya sa trabaho sa paggawa ng TV commercial, runway shows at pag-host ng corporate events.
Pagpasok pa lang daw ng December ay fully-book na siya for three weeks. Pero ngayon, dadalawang raket pa lang ang nakukuha niya.
Kaya bago pa umabot na kailangan niyang magbenta ng mga gamit at mapalayas siya sa nirerentahang condo unit, nag-iisip na ito ng ibang option at ang kapatid niya ang makakatulong sa kanya.
Living in style ang kapatid ni male model. Kung dati ay sagad-sagad din ito magtrabaho para mag-survive, ngayon ay para na siyang anak-mayaman na hindi na kailangan mag-work.
Salamat sa karelasyon nito na parang may balon ng pera kaya sunod ang mga layaw nito na hindi kailangan magpakapagod.
Pinakilala si male model ng kanyang kapatid sa isang yamaning socialite via video chat. Friend ito ng karelasyon ng kapatid niya at mabilis silang nagkasundo.
Ngayon ay nagsasama na raw ang dalawa sa malapalasyong bahay ng socialite sa ibang bansa.
Kahit na raw mas may edad kay male model ang babae, ang importante ay maranasan niya ang buhay pensyonado tulad ng kuya niya na role model niya.
*****
Hindi dahilan ang pandemic para hindi matupad ang pangako na Winter Wonderland ni Kylie Jenner sa kanyang anak na si Stormi Webster.
Sa post ng reality star-turned-makeup mogul sa Instagram, pina-transform niya ang kanyang mansion into winter wonderland with snow, white decorated lights and neutral toned ornaments in white, tan and beige colors.
May two big white stockings din sa fireplace at four life-like white polar bears in various sizes sa living room para ma-achieve ang North Pole vibe.
“We did these ornaments to match all the colors and textures in this room. I love how it turned out. So pretty,” sey ni Kylie. (Ruel J. Mendoza)
-
May bagong series sa YT channel: LIZA, on-hold pa ang Hollywood plans dahil sa strike
MAY bagong serye na susubaybayan kay Liza Soberano. Hindi nga lang ito sa telebisyon mapapanood kung hindi sa kanyang YouTube channel. Ang series niya ay ‘Liza In Korea.’ It’s a 15-episode series na every Wednesday at 8 pm ang drop simula noong September 13. Nagawa ni Liza na i-explore ang Korea. Proud siya na maipakita […]
-
Ivana, tinupad ang wish ni Lloyd na maging bus washer
ANG laki ng ipinayat ng Kapuso actor na si Paolo Contis! Aba, e, nag-lose lang naman siya ng 30 lbs sa loob ng kulang dalawang buwan. Ang sikreto ni Paolo? Juicing! Dati nang nauso noon ang juicing, pero, masasabing effective talaga ito. Kasi, nakakapag- take ka pa rin ng lahat ng nutrients […]
-
15K benepisyaryo mula sa industriya ng sining, inayudahan sa BPSF
INILUNSAD ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang isang malawak na programa na nagkakahalaga ng P75 milyon, na layuning magbigay ng tulong-pinansyal at mga pagkakataon sa pagpapahusay ng kakayahan para sa mahigit 15,000 miyembro ng industriya ng sining, kabilang ang pinansyal na suporta at iba pang mga serbisyo […]