Kapuso, nase-sepanx na sa pagtatapos ng serye: Puring-puri sa heartwarming story at chemistry nina MARIAN at GABBY
- Published on June 15, 2024
- by @peoplesbalita
NASE-SEPANX na ang mga Kapuso dahil sa nalalapit na pagtatapos ng hit GMA primetime series na ‘My Guardian Alien.’
Puring-puri ng avid viewers ang heartwarming na kuwento ng serye pati ang undeniable chemistry nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bilang Grace at bankable leading man Gabby Concepcion bilang Carlos.
Komento ng netizens sa GMA Network YouTube channel,“Dahil sa story na ‘to, mai-inspire kang gumawa ng kabutihan, maging mapagbigay at mapagpatawad. May kontrabida man, pinapakita pa rin na kaya nilang magbago. Less stress, ang gaan lang. Matutulog kang inspired na maging mas mabuting tao.” Dagdag pa ng ilan, “Wala talaga akong masabi, sobrang bagay si Gabby Concepcion at Marian Rivera. Ang galing din ng buong cast!”
At ngayong malapit nang matapos ang serye, marami na agad ang humihingi ng bagong season. Sey ng fans, “Mami-miss namin kayong lahat. Pwede bang huwag munang tapusin ‘to. Extension please. Sana magka-season 2 napakaganda ng kwentong ‘to!”
Tuloy na nga ang wedding of the year kahit alam ni Carlos na aalis din sa Earth si Grace. Paano kaya ang kanilang happily ever after? Samantala, magiging kakampi ba o kaaway ang bagong alien na dumating sa buhay nila?
Huwag nang palampasin ang mga susunod na eksena sa “My Guardian Alien,” 8:50: p. m. sa GMA Prime at Kapuso Stream!
(RUEL J. MENDOZA)
-
Adelaide 36ers talo kontra Perth Wildcats
Nanghina muli si Kai Zachary Sotto sa pagsabak bilang starter nang malasap ng Adelaide 36ers ang kalunos-luos na 112-97 pagsemplang laban sa Perth Wildcats sa Australia’s 45th National Basketball League 2022-23 regular season game noong Sabado ng gabi sa RAC Arena. Umiskor lang ang 7-foot-3 Pinoy import ng apat na puntos mula sa […]
-
Gawang lokal na sasakyan bibigyan ng prioridad sa PUVMP
SISIGURADUHIN ni Speaker Martin Romualdez na ang mga lokal na sasakyan ang bibigyan ng prioridad sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni Romualdez sa isang ginawang dialogue sa pagitan ng mga lokal jeepney manufacturers kasama ang mga House leaders na ginawa sa Makati City kamakailan lamang. “Prioritizing […]
-
DeRozan, mas pinili ang pananatili sa Spurs
Nagpasya si DeMar DeRozan na manatili sa kaniyang koponang San Antonio Spurs. Ginamit nito ang kanyang $27.7 million player option para manatili sa koponan sa 2020-21 season. Nauna ng sinabi nito na wala siyang balak na umalis sa koponan. Handa na aniya itong magsanay at makagawa ng kakaibang level ng mga laro. […]