Kapwa Pinoy, gusto idamay ni Kai Sotto
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
TILA hindi nakikita ni Kai Sotto ang sarili bilang huling Pilipinong makakakuha ng imbitasyon sa Basketball Without Borders Global Camp.
Kabilang si Sotto sa 64 na babae at lalaking manlalaro sa buong mundo ang napili upang maging bahagi ng 2020 camp kung saan itatampok ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang bansa, ang All-Star Weekend sa Chicago.
“I expect more Filipinos to come here. I think we’d be very honored and excited to see more Filipinos to come here,” ani Sotto sa isang pahayag sa NBA Philippines.
Kasalukuyang nagsasanay ang 17-anyos na manlalaro sa Atlanta sa Amerika at ang kanyang karanasan sa naturang camp ay isa sa magiging malaking tulong sa kanyang pagtatangka bilang maging unang homegrown Filipino sa NBA.
Bukod sa oportunidad na makapaglaro, pinalad ding makausap ni Kai si Toronto Raptor star Pascal Siakiam na matatandaang naging miyembro rin ng BWB training camp.
“The best part was to compete against the best players from all around the world and to be coached by the coaches from the NBA. There’s so much talent in this venue and I’m honored to be here,” pahayag niya.
-
Travel ban sa 7 bansa pinalawig – BI
Muling ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ekstensyon sa travel ban sa pitong bansa upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa […]
-
Pinoy archers tatarget ng Olympic ticket sa Paris
Kumpiyansa si archery president Jesus Clint Aranas na isa sa limang national archers ang makakapana ng tiket para sa 2021 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan. Sasabak sina national archers Riley Silos, Jason Emmanuel Feliciano, Pia Elizabeth Bidaure, Phoebe Nicole Amistoso at Gabrielle Monica Bidaure sa World Olympic Qualifiers sa Paris, France […]
-
Sikat na online seller na si MADAM INUTZ, certified recording artist na; trending ang music video ng ‘Inutil’
ISA na ngang ganap na recording artist ang social media sensation na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz dahil ini-release na ang kanyang debut single na “Inutil” na nilikha ni Ryan Soto. Ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing tulay at […]