• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Karagdagang financial assistance ibigay sa mga bingi, bulag, pipi at may down syndrome kada taon

NAIS ni Iloilo Rep. Janette Garin na mabigyan ng karagdagang financial assistance kada taon sa mga taong pipi, bingi, bulag at may mga down syndrome.

 

 

Ang panukala ay ginawa ng mambabatas kasunod na rin sa ipinatupad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Iloilo.

 

 

“Nararapat lamang po na bigyan ng dagdag na tulong ang ating mga kababayan na may kapansanan upang makatulong sa kanila,” ani Garin.

 

 

Ang BPSF ay proyekto nina Pangulong Marcos at Speaker Martin Romualdez na naglalayong mailapit pa ang mga serbisyo publiko sa publiko. Isa itong pinakamalaking service caravan sa bansa na naglalayong maipaabot ang mga major government services sa mga mahihirap na pinoy sa bansa, kabilang ang mga programang Kadiwa ng Pangulo, Passport on Wheels, Driver’s License registration/assistance, at iba pang tulong.

 

 

Umaasa ang mambabatas na ang panukala niyag tulong ay maipatupad sa buong bansa.

 

 

“Malaking tulong po itong programang ito para mas mapadali ang pagkuha ng dokumento ng ating mga kababayan. Mas mabilis at madaling serbisyo ang handog ng administrasyon,” pagtatapos ni Garin.

(Ara Romero)

Other News
  • PBBM, balik-Pinas na

    BALIK-PINAS  na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo matapos ang  maikling byahe sa United Kingdom para sa koronasyon ni King Charles III  at kanyang  opisyal na pagbisita sa  Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US President Joe Biden.     “It feels good to be back home!” ang sinabi ni  Unang Ginang […]

  • Pilipinas, dapat igiit ang hustisya at kabayaran sa mga nasugatang Pilipinong marino

    DAPAT igiit ng Pilipinas ang hustisya at kabayaran sa mga nasugatang Pilipinong marino at nasira nilang barko dala sa ginawang pagbangga ng Chinese coast guard sa naturang navy ship sa may West Philippine Sea.       Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang nasabing lugar ay bahagi ng maritime zone na tinukoy ng Permanent […]

  • Philippians 2:10

    At the name of Jesus, every knee must bend.