• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Karagdagang pondo ng gobyerno, hinihintay na lamang para masimulan ang proyekto ng LRT2 West Extension

NAGHIHINTAY na lamang ng karagdagang pondo mula sa pambansang pamahalaan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) upang tuluyang maituloy ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) West Extension project nito.

 

 

Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera kumpleto na umano ang documentation at tapos na ang lahat ng plano pati ang mga technical designs ng West Extension Project.

 

 

Ang pagtatayo ng west extension ay lilikha ng tatlong station, isa malapit sa Tutuban PNR station, isa sa Divisoria, at isa malapit sa North Port Passenger Terminal sa Manila North Harbor’s Pier 4.

 

 

Sinabi ni Cabrera na nasa sampung bilyong piso ang kailangan para maipatupad ang naturang west extension project.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa humigit-kumulang P1.7 billion na ang pondo ng Light Rail Transit Authority o LRTA. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 13, 2021

  • Guidelines sa motorcycle taxis inilabas

    INILABAS na ng National Task Force Against COVID-19 at ng Department of Transportation (DOTr) ang operational guidelines sa mga motorcycle taxis at mga tricycle back-riding upang mas madagdagan ang pampublikong sasakyan.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay maayos ang kalusugan ng mga motor taxi drivers at may sertipikasyon ng clinic na accredited […]

  • PBBM ibinahagi ang mga tagumpay sa kaniyang pagbisita sa Japan

    IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito.     Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector.     Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon […]