KARAMBOLA NG 10 SASAKYAN, 1 PATAY, 2 SUGATAN
- Published on March 24, 2022
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang rider, sugatan ang dalawa pa, habang sampung sasakyan ang nagkarambola nang araruhin ng driver ng isang Aluminum truck sa Dasmariñas City, Cavite Martes ng gabi.
Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Jonel Dacles y Dariagan, 37 ng Aquamarine St. Saint Mary Homes Las Pinas City dahil sa tinamong pinsala sa ulo habang isinugod naman sa Pagamutan ng Dasmarinas City sina Butz Del Carmen y Arboleda, 34 ng Blk 18 Lot 38 West wood Height Land, Brgy Langkaan 1, City of Dasmarinas Cavite at Rodelle Terrence Mejia y Manguba, 23 ng resident of 050 Electrical roads, Brgy 191 Pasay City.
Hawak naman na ng pulisya ang driver ng Hino Aluminum Truck na si Gerald Corimo Y Dalonoy, 26 ng Atis st. Green Field Heights Brgy. Sampaloc 2, Dasmarinas City Cavite.
Sa ulat ni PSSgt Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:00 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ni Corimo ang isang Hino Aluminium Van Truck na may plakang DAT-9634 habang binabagtas ang kahabaan ng E. Aguinaldo Highway sakop ng Brgy San Agustin 2 ng naturang Lungsod patungo sa direksiyon ng Imus subalit bago nakarating sa Daño intersection nang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela at araruhin ang harapang sasakyan na isang Suzuki swift na may plakang UIN 613 na minamaneho ni Jomar Abad y Geralo, 28, na nabundol naman ng minamaneho ng huli ang isang motorsiklong Yamaha NMAX na minamaneho ni Butch Del Carmen y Aborleda, 34, at isa pang motorsiklong Yamaha NMAX na minamaneho ni Jose daryl Sobretodo y Pahila, 34, at nabangga naman nito ang isang Honda XRM na minamaneho ni Dacles at isa pang motorsiklong Honda Click na minamaneho ni Mejia at tumbukin naman ang isang Hyundai Accent na may plakang WHO 211 na minamaneho ni Emmanuel Santos y Manuel, 46 at nabangga naman ang puwitan ng isang Toyota Innova Wagon na minamaneho ni Ritzand Neil Recto y Rodelas, 38.
Dahil sa insidente, nawalan din ng control sa kanyang manibela ang minamaneho ni Recto at nabangga rin ang puwitan ng isang Fuso Tractor na minamaneho ni Jeffrey Jardin y Concepsion, 42, at nabangga naman ang kasunuran na isang Toyota Avanza na minamaneho ni Renario Pagalan y Gudez,54, at nabangga naman nito ang isang pampasaherong jeepney na may plakang DVW 898 na minamaneho ni Edwin Cabong y Balbuina, 52.
Dahil sa insidente, namatay sa pinangyarihan ng insidente si Dacles dahil sa matinding pinsala sa ulo habang isinugod sa Pagamutan ng Dasmarinas City sina Carmen at Mejia dahil sa tinamong sugat.
Kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide, Physical Injuries at damaged to Property ang kinakaharap ng suspek dahil sa mga nasirang sasakyan. GENE ADSUARA
-
NEW TRAILER UP FOR ANIMATED ADVENTURE “PAWS OF FURY”
HOLD onto your butts. You’ll be fighting like these cats and dog(s) to see Paramount Pictures’ new comedy adventure Paws of Fury: The Legend of Hank. Check out the new trailer now and watch the film in Philippine cinemas August 10. YouTube: https://youtu.be/E6qpiVH3Obg About Paws of Fury: The Legend of Hank A […]
-
DOMINIC, sinorpresa si BEA ng isang brown-haired Poodle puppy
SINORPRESA ni Dominic Roque ang girlfriend na si Bea Alonzo sa nakaraang birthday nito ng isang brown-haired Poodle puppy. Isang fur mom kasi si Bea at alam ni Dominic na matutuwa ito sa kanyang niregalong puppy dog. Sa Instagram Stories ni Bea, pinost niya ang bago niyang fur baby at humingi […]
-
IRONMAN 70.3 Davao: Azevedo at Crowley NANGUNA!
Pinasigla nina Filipe Azevedo at Sarah Crowley ng Australia ng Portugal ang kani-kanilang title bid sa bike leg pagkatapos ay pinigilan ang laban ng kanilang mga karibal sa nakakapagod na closing run para koronahan ang kanilang sarili bilang 2023 Alveo IRONMAN 70.3 Davao champions sa Azuela Cove dito Linggo. Si Azevedo, 30, ay nasa […]