• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Karamihang biktima umano ni Quiboloy, pasok na sa witness protection ng DOJ

 

TINUKOY ni House Appropriations Committee Vice-Chairman at Ako Bicol partylist Rep. Jil Bongalon na ilan sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy ang nasa ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, kaugnay ng paghimay ng proposed budget ng DOJ, isa sa naging punto ng tanong ang tungkol sa mga biktimang nag-apply para sa WPP.
Tugon ni Bongalon na nagsilbing budget sponsor, halos kalahati na ng mga biktima ni Quiboloy ay nasa witness program at inaasahan na madaragdagan pa ito.
Base rin sa ulat ng ahensya, nahaharap sa dalawang kaso ng child abuse ang nakakulong na pastor at isang human trafficking case.
Dagdag pa ni Bongalon, kung sakaling mag-request ng extradition ang US para kay Quiboloy na mayroon ding kinakaharap na kaso doon ay tatalima ang Pilipinas.
Subalit uunahin muna na tapusin ang pagresolba sa mga kaso ng KOJC leader dito sa bansa bago sa Estados Unidos.
Hindi rin umano makakapagbigay ng time table ang kagawaran dahil magbabago ang posibleng mga proseso sa kaso kapag nadagdagan ang mga nagrereklamo. (Daris Jose)
Other News
  • Ginebra nakuha ang kampeonato ng PBA Governors’ Cup matapos ang panalo sa Game 6 vs Bolts

    NAKUHA  muli ng Barangay Ginebra ang kampeonato ng PBA Governor’s Cup finals matapos na ilampaso ang Meralco Bolts 103-92.     Nadomina ng Ginebra ang best of seven finals ng makalamang sa serye ng 4-2.     Sa pagtatapos ng second quarter ay naging tabla pa sa 47-all ang laro.     Dito na umarangkada […]

  • Lorna, nag-guest sa filmfest movie nila noon ni Niño: JANICE, muling nakasama si JUDY ANN sa ‘Espantaho’ pero konti lang ang eksena

    HULING nagkasama sina Judy Ann Santos at Janice de Belen sa “Mga Mumunting Lihim” na naging entry sa Cinemalaya Film Festival 2012.     Ang indie film ay dinirek ni Jose Javier Reyes, na kung saan kasama rin nila sina Iza Calzado, at Agot Isidro.     Tanda pa ni Janice na ang ensemble cast […]

  • Nag-iwan sa Pinas ng P481 milyong halaga ng pinsala: Julian’, umalis na ng Pinas

    LUMABAS na sa Pilipinas ang Supertyphoon “Julian” (international name: Krathon) .   Sa paglabas sa bansa ni Julian ay nag-iwan naman ito ng limang kataong patay at dahilan ng pinsala sa agriculture sector na umabot sa P481.27 milyon ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).   Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and […]