Karapatan ng mga manggagawa na magwelga, aprubado sa Komite
- Published on February 9, 2024
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng House Committee on Labor and Employment ang draft substitute bill sa House Bill (HB) 7043, na naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magwelga.
Ipinaliwanag ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Democrito Mendoza (Partylist, TUCP), may-akda ng panukala na, “The right to strike and to engage in concerted peaceful activity is a constitutional right,” at idinagdag niya na ang 1987 Konstitusyon ay isa lamang sa kakaunting konstitusyon na naggagawad ng naturang karapatan.
Sa ilalim ng panukala, ang pagpapatalsik sa manggagawa ay tatanggalin bilang ‘immediate disciplinary action for non-compliance of orders of the Secretary of Labor and Employment; ang mga manggagawa na nakagawa ng mga iligal na aksyon lamang ay hindi matatanggal sa trabaho, at ang paglahok nito sa welga ay hindi maaaring maging dahilan para ipataw ang disciplinary action; ang parusang pagkabilanggo sa mga paglabag ay hindi na kasama rito, at iba pa.
Binigyang diin ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) vice chairman Luis Manuel Corral na ang mga panukalang reporma ay may implikasyon sa pandaigdigang merkado ng negosyo at pagtatrabaho.
Ayon sa kanya, ang US global labor policy ay workers-centered, na siyang batayan sa mga negosasyon sa Indo-Pacific economic framework trade map. Aniya, ikokonsidera ng US Congress ang mga polisiya ng workers-centeredness kapag muli nitong pinahintulutan ang generalized system of preferences (USGSP).
Magpapairal din ang European Union na kanilang generalized system of preferences (EUGSP) sa kanilang bahagi.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga kinatawan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) at ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa 7043.
Sumang-ayon rin ang komite na pagsama-samahin ang mga HBs 839, 1678, 2291, 2547, 3242, 4191 at 6273, na inihain nina Reps. Christian Tell Yap, Patrick Michael Vargas, Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva, Keith Micah ‘Atty. Mike’ Tan, Yedda Marie Romualdez, Eric Go Yap, at Teodorico Haresco Jr. ayon sa pagkakasunod, na lahat ay naglalayong isainstitusyon ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment.
Pagsasama-samahin din ang mga HBs 2600, 3387 at 4757, o ang panukala na mag-aamyenda sa RA 8759, o ang Public Employment Service Office (PESO) Act of 1999, na inamyendahan, na isasama ang entrepreneurship sa ilalim ng sakop ng batas. (ARA ROMERO)
-
PUBLIKO PINAG-INGAT SA ONLINE SCAM
KINUMPIRMA ng Philippine postal office o Philpost na isang scam ang isang quiz game na umiikot ngayon sa social media. Sa post ng ahenya sa kanilang official page, binalaan nito ang publiko at sinabing hindi namimigay ng financial aid ang Philpost. Dagdag ng ahensya maaaring magkaraon ng access ang mga scammers […]
-
Aces, Bolts, Hotshots, NLEX magsisibalikwas
BABAWI sa unang mga pagsemplang ang apat na koponan sa pang-apat na araw ngayon ng 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 elimination round bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga. Magbabanatan sa tampok na giyera sa alas-6:45 nang gabi ang Magnolia Chicken Hotshots (0-1) at North […]
-
MARIAN, excited na ring makita ang kanyang inaanak: JENNYLYN at DENNIS, ‘di na makapaghintay sa pagdating ng first baby nila
MARAMI nang nagtatanong kung nagsilang na raw si Kapuso actress Jennylyn Mercado ng baby girl nila ni Dennis Trillo. Balita raw kasi noon pang April 26, ay nakaramdam na ng labor pain si Jen, but as of this writing (April 28), wala pang confirmation, kahit sa kani-kanilang Instagram account nina Jen at Dennis. […]