• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Karl Eldrew binigyan ng P500k pabuya ni Chavit

BINIGYAN ni dating Governor at businessman Chavit Singson ng tumataginting na P500,000 pabuya si Karl Eldrew Yulo matapos sumungkit ng apat na gintong medalya sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Champion­ships na ginanap sa Bangkok, Thailand noong nakaraang linggo.

 

 

Pinuri ni Singson ang husay ni Yulo na nakababatang kapatid ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel Yulo.

 

 

Sinabi ni Singson na kitang-kita ang dedikasyon ni Karl Eldrew upang mabigyan ng karangalan ang bansa sa iba’t ibang international tournaments gaya nito.

 

Magugunitang pinagharian ni Karl Eldrew ang Bangkok meet kung saan nakasungkit ito ng gintong medalya sa junior individual all-around event.

 

 

Maliban sa all-around, namayagpag pa si Karl Eldrew sa floor exercise, still ring at vault.

 

 

Kasama pa rito ang dalawang pilak na nakuha nito sa parallel bars at team all-around events.

 

 

Personal na ibinigay ni Singson ang cash incentives kay Karl Eldrew kasama ang magulang nitong sina Angelica at Andrew, kapatid na si Elaiza. Present din ang anak ni Singson na si Rep. Richelle Singson-Michael ng Ako Ilocano Ako party list.

 

 

Hindi naman na bago si Singson sa mundo ng sports. Sa kasalukuyan, hawak nito ang professio­nal bo­xing career ni Charly Suarez.

 

 

Naging chairman eme­ritus din ito ng Philippine National Shooting Association.

 

 

Kamakailan lamang ay binigyan nito ng P1 milyong regalo ang pamilya Yulo at umaasang maaayos ang gusot sa pamilya nito.

Other News
  • Marami pang INFRA PROJECTS para palakasin ang ekonomiya ng MIMAROPA – PBBM

    NAGSASAGAWA ang gobyerno ng mas maraming pangunahing infrastructure projects sa Mindoro Occidental, Mindoro, Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) region para palakasin ang ekonomiya nito. Sa isinagawang pamamahagi ng financial aid sa Palawan, araw ng Huwebes, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang gobyerno ay hindi lamang masigasig sa pagbibigay ng social services […]

  • Speaker Romualdez suportado pagdalo ni PBBM sa ASEAN summit sa Laos

    BUO ang suporta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ika-44 at ika-45 na ASEAN Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic (LPDR).     Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagtitipon upang matugunan ang mga isyu na nakakaapekto sa rehiyon gayundin sa interes ng Pilipinas […]

  • Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan.   “Alam mo, it is high time that government consider na we […]