Kasabay sa pagwi-welcome kay SHARON bilang bagong ka-probinsyano: JOHN LLOYD, tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso at may bagong ka-partner
- Published on November 9, 2021
- by @peoplesbalita
NGAYONG araw na magaganap ang dalawang pasabog na showbiz event ng Kapamilya at Kapuso network.
Una na ngang naglabas ng teaser ang FPJ’s Ang Probinsyano sa tuloy na tuloy nang pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa buwang ito pagkatapos ng ilang aberya.
Nakalagay sa teaser ‘MEGAganda pa ang gabi niyo. Abangan.’
Ni-repost naman ni Sharon sa kanyang IG ang post ng @megaberksonline na, “Kalaban or kakampi? Malapit na!
“November 9 media con. Save the date berks!”
Sa pagwi-welcome nga kay Mega sa cast ng action-drama series ni Coco Martin sa araw na ito malalaman na kung may kaugnayan siya kina Julia Montes at ang dating ka-loveteam at director sa mga concert na si Rowell Santiago.
At malamang may iba pang ibang stars na makakasama ni Sharon na ipapaalam din ngayong araw at sa IG post naman ng Dreamscape Entertainment, “Get ready this Tuesday, November 9, dahil may MEGAnap! Sabay sabay natin siyang i-welcome dahil #KaProbinsyanoNaSHA!”
Samantala, sa midnight post naman ng GMA Network sa kanilang IG account a few days ago ng teaser na, “He’s HA PPY to be back. 11.09.21.”
Na may caption na, “Multi-awarded actor, may malaking pasabog! Abangan iyan ngayong Martes.”
At karamihan nga sa netizens ay iisa lang ang hula sa photo ng actor na naka-smile kundi si John Lloyd Cruz, na matagal na sanang nakapirma pero nagkaroon ng aberya.
Matatandaan din na lumabas ang balitang magkasama sila ni Bea Alonzo sa isang shoot, na pinalalagay para na para sa Christmas Station ID ng GMA-7, na mukha namang may katotohanan, kaya sobrang nakaka-excite ang pagkakasama ng dalawa sa yearly station ID ng network na may pa-teaser na dahil malapit nang mapanood, ‘Mangingibabaw ang pag-ibig ngayong Pasko!’ at may hashtag na #LoveTogetherHopeTogether!
Anyway, may follow-up IG post naman ang GMA na, ‘Handa na ba ang PUSO mo?’ na may caption na, “Ihanda ang inyong mga puso dahil ang much-awaited comeback of this box-office actor is almost here! Abangan iyan ngayong Martes.”
Dagdag post pa ng GMA, “One of the biggest stars of this geneation, may bagong ka-partner?”
Kaya wala na talagang atrasan ang pagiging Kapuso ni Lloydie at sino kaya ang ia-announce sa makakasama niya sa sitcom?
Abangan na lang natin at kung sino ang mas pag-uusapan at magta-top trending?
***
MAY bago na namang handog ang Viva Films na nagsi-celebrate ng 40th Anniversary sa buwang ito, ang mainit na drama at mga nagbabagang senswal na emosyon ang magliliyab sa bagong erotic drama movie ni Direk Law Fajardo, ang Mahjong Nights na bida ang next important star ng VIVA na si Angeli Khang.
Matapos ang kanyang sexy role sa pelikulang Taya, tinanggap naman ni VMX Crush Angeli ang challenge ng isang sexy role, kaya naman isa na siya sa mga dapat abangan na rising sexy star ng VIVA.
Para sa Mahjong Nights, ang award-winning director na si Lawrence Fajardo ang naggabay kay Angeli para sa kanyang role.
At kay Jay Manalo at Mickey Ferriols, kasama rin sa pelikula ang mga batikang aktor na sina Arnel Ignacio, Jamilla Obispo at Maricel Morales, bilang mga kaibigan ni Esther.
Kasama rin ang in-demand sexy young actor na si Sean De Guzman bilang ang batang driver at love interest ni Alexa. Kaya naman kaabang-abang ang maiinit na eksena sa pagitan ni Sean at Angeli.
Kaya itaya niyo na ang lahat para sa pinakamainit na movie experience kapag pinanood ninyo ang Mahjong Nights, streaming online sa November 12 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Ngayong November 19, available na din and Vivamax sa USA at Canada.
Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.
Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.
Pwede ding mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.
Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!
(ROHN ROMULO)
-
P100 daily wage hike bill aprub na sa Senate
INAPRUBAHAN na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang landmark bill na nagmumungkahi ng P100 pagtaas sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Bumoto pabor ang 20 senador sa Senate Bill No. 2534 samantalang hindi naman nakaboto at wala sa session hall sina Senators Imee Marcos, Lito Lapid, Cynthia […]
-
Pilipinas wala pang talo sa Billie Jean Cup
NANANATILING wala pa ring talo ang Pilipinas sa Pool B ng Billie Jean King Cup Group III na ginaganap sa Bahrain. Ito ay matapos na talunin nila ang Qatar sa score na 6-0, 6-0. Nanguna sa panalo ng Pilipinas si Filipina tennis star Alex Eala ng pataubin si Mubaraka Al-Naili. […]
-
DepEd, ipauubaya na sa OSG ang paghahain ng kaso hinggil sa biniling ‘pricey’ laptop
IPAUUBAYA na ng Department of Education (DepEd) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa di umano’y biniling overpriced laptop. Sa isang Viber message, siniguro ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng Senate Blue Ribbon […]