• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama ang ilang gay celebrities: KLEA, proud na ma-feature sa ‘pride month issue’ ng isang magazine

NAGHAHANDA na ang Sparkle actors na sina Rayver Cruz, Derrick Monasterio, at Ken Chan para sa GMA Gala 2024 na mangyayari sa July 20.

 

 

Collaboration ng stylist na si Ivor Julian at designer na si Ryan Ablaza Uson ang susuotin ng tatlo.

 

 

Ayon kay Rayver: “Sabi ko lang sa kanila, na something classic, classy but unique. Favorite ko kasi ‘yung last year, e, so challenge na rin for them kung paano nila mas gaganda pa kaya ako excited.”

 

 

Para naman kay Derrick: “Bahala na ‘yung akin stylist d’yan. Gusto niya talaga mag-stand out ako kaya siya ang bahala.”

 

 

Para kay Ken: “Gusto ko ‘yung talagang plain ‘yung isusuot ko, walang masyadong nangyayari sa isusuot ko. And gusto kong ma-highlight ‘yung mga jewelries na isusuot ko for that night.”

 

 

Sinisigurado naman ng designer na si Ryan Ablaza Uson na dapper ang isusuot ng mga nasabing Kapuso actors.

 

 

“Our main goal is to make them look as dapper as they could. We really go on a timeless silhouette of suits.”

 

 

***

 

 

PROUD si Klea Pineda na mapasama sa Pride Month issue ng isang magazine.

 

 

March 2023 noong mag-out ang Kapuso actress at ipakilala via social media ang kanyang girlfriend.

 

 

Sa naturang magazine feature, nakasama ni Klea ang ilang gay celebrities na sina

 

 

Jonathan ‘Sweet’ Lapus, ESNYR, Sassa Gurl, Mimiyuuuh, at marami pang iba.

 

 

“Naging masaya ako, naging malaya ako. It still feels surreal to be part of Preview’s cover story this month alongside inspiring queer icons in the industry!

 

 

“Thank you Preview PH for giving us the space to shed light on queer representation! Happy Pride indeed!” caption ni Klea na napapanood sa teleserye na ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’

 

 

***

 

 

SA isang pambihirang pagkakataon, nag-reunion ang apat na members ng famous Swedish group na ABBA para tanggapin ang prestigious Swedish knighthood from King Carl XVI Gustaf and Queen Silvia.

 

 

Benny Andersson (77), Agnetha Fältskog (74), Anni-Frid Lyngstad (78) and Bjorn Ulvaeus (79) received the Royal Order of Vasa and are now Commanders of First Class for “very outstanding efforts in Swedish and international music life.”

 

 

Sumikat ang ABBA noong 1974 noong manalo sila sa Eurovision Song Contest para sa song na “Waterloo.” Ang iba pang big hits nila ay “Mamma Mia,” “Dancing Queen”, “Fernando”, “The Winner Takes It All” and “Gimme! Gimme! Gimme!”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Magsayo idedepensa ang WBC belt vs Vargas

    WALA munang rematch sina reigning World Bo­xing Council (WBC) fea­therweight champion Mark Magsayo at Gary Russell Jr.     Ito ay matapos ipag-utos ng WBC ang mandatory title defense ng Pinoy pug laban kay Mexican challenger Rey Vargas.     Umaasa ang ilan na magkakaroon agad ng Part 2 ang Magsayo-Russell fight.     Subalit […]

  • Congressional Medal of Excellence iginawad kay Diaz

    Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ang House of Representatives ng Congressional Medal of Excellence.     Ito ang iginawad ng Kongreso kay national weightlifter Hidilyn Diaz na tumapos sa 97-taong paghihintay ng Pilipinas para sa kauna-unahang Olympic Games gold medal nang manalo sa Tokyo Games.     Nang buhatin ni Diaz ang silver medal noong […]

  • HIRAP ng mga PASAHERO sa PUBLIC TRANSPORT MAAARING MATUGUNAN NG CARPOOLING

    Ang hiling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay gawing hanggang alas 4 ng umaga na lang ang curfew dahil maraming pasahero ang maagang nasa kalye dahil maaga pumapasok.       Isinailalim muli ang Metro Manila sa 10 AM to 5 AM na curfew. mApektado dito ang mga pumapasok sa trabaho na […]