Kasama na sa pagtakbo
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAILANG sesyon na po ang inyong lingkod sa jog-run na sinimulan ko noong Mayo.
Kahapon ng umaga, naka-30 minutes ako.
May kahirapan ang may nakakabit na face mask kapag nag-i-sprint ka, run o kahit jog lang.
Kaya ang ginagawa ko po kung walang katabi, kasalubong o masasalubong na tao sa tinatahak kong lansangan, binababa ko nang kaunti mask hanggang sa lumabas ang kapirasong butas sa ilong.
Pero binabalik ko agad ang face mask kapag may nakikita na akong makakasalubog na tao, kahit sasakyan pa para masiguradong proteksyon sa coronavirus disease 2019.
Kakambal na dear marathoners, runners ang face mask sa ating training at kapag nagbalik na ang mga road race.
Kahit po mahirap mag-face mask para iwas Coronavrus Disease 2019.
***
Kagaya po ninyo, dinadalangin kong matapos na ang Covid-19 hindi lang sa ating bansa, kundi sa sandaigdigan para mabalik na sa normal ang lahat, kabilang na ang sports events.
Mag-ingat po tayo araw-araw, panatilihin pong malakas ang ating katawan at kalusugan.
***
Kung may itatanong o reaksiyon po kayo, mag-email lang po sa jeffersonogriman@gmail.com.
Hanggang bukas uli mga ka-People’s BALITA. (REC)
-
Tokyo Olympics: Ilang torch relay staff, nagpositibo sa COVID; torneyo, tuloy kahit ‘closed doors’
Nasa walong miyembro na ng Tokyo Olympics torch relay sa Kagoshima, Japan, ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID). Ayon sa mga otoridad, ang mga naapektuhan ng COVID ay responsable sa pagkontrol ng traffic sa nasabing bansa. Tatlo sa kanila ay nagtatatrabaho sa Lungsod ng Amami, habang tatlo ay sa Kirishima City. […]
-
6 milyong metric tons ng basura nahakot sa cleanup drive ng SMC
UMAABOT sa 6 milyong metriko tonelada ng basura ang nahakot ng San Miguel Corporation (SMC) sa isinagawang clean up drive sa mga ilog sa Metro Manila. Kabilang sa nakuhang mga basura ang nasa 3 milyon tonelada sa flood prone area sa lalawigan ng Bulacan at mag-uugnay sa bayan ng Meycauayan, Obando, Bulakan, Bocaue, […]
-
TWG binuo para balangkasin ang “Sagip Kolehiyo Act”
Pinagtibay ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Resolution 1380 na iniakda ni Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles. Layon ng resolusyon na hilingin sa komite na hikayatin ang pagsasanay ng mas maraming Pilinong siyentista at dalubhasa sa ibang bansa. Sinabi ni Dr. Ben Macatangay, kinatawan mula sa […]