• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakikitang mas yayabong pa ang ugnayan sa pagitan ng Pinas at Singapore

NAKIKITA ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  ang pagganda at pagbuti ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.

 

 

Ang Singapore kasi ang itinuturing na  “largest source of foreign investments” sa bansa.

 

 

Sa isang roundtable discussion kasama ang mga  Singaporean business leaders, kumpiyansang inihayag ni Pangulong Marcos na maliwanag ang hinaharap para sa dalawang bansa dahil na rin sa matatag na bilateral relations ng mga ito sa isa’t isa.

 

 

Ayon sa Pangulo, nagsimula ang magandang relasyon ng Singapore at Pilipinas sa  people-to-people level, nagsilbing ‘bedrock’ ng lahat ng kasunduan, partnerships, at alliances.

 

 

“And in that time between the very beginning of that relationship, we haven’t come across really any significant issues, diplomatic, political, or otherwise between Singapore and the Philippines. And I think that is the reason why, at some point, Singapore was the largest source for foreign investment in the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Giit ng Chief Executive, hindi niya nakikita na magbabago ang relasyon ng dalawang bansa sa kahit na anumang paraan o “no paradigm shift in terms of geopolitical positioning, and in multilateral relationship with the rest of ASEAN and with the rest of Asia.”

 

 

“So for me, the future is bright for the Philippines and Singapore. And I see more opportunities than we have ever had before in fact, and it’s just up to us to identify those and to agree on how to best respond to the changes that we now face,” lahad ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, kasalukuyang nasa Singapore ngayon si Pangulong Marcos dahil mayroon itong  speaking engagement sa 10th Asia Summit.  Nakatakdang magbalik-Pinas ang Pangulo sa araw ng Linggo, Setyembre 17.

 

 

Nakatakdang ring dumalo ang Pangulo sa pagtatapos ng  Formula One Singapore Grand Prix 2023 bilang tugon na  rin sa imbitasyon ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.

 

 

Samantala, habang wala ang Pangulo at nasa Singapore, si Vice President Sara Duterte ang tatayong ‘caretaker’ ng bansa.  (Daris Jose)

Other News
  • Bilang ng mga nakapag-rehistrong botante sa kabuuan ng registration period, mahigit doble sa target ng Comelec

    Ikinatuwa ng Commission on Elections ang mahigit dobleng bilang ng mga nagrehistrong botante sa kabuuan ng voter registration na nagtapos kahapon, Setyembre-30.     Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, tatlong milyong registrants lamang ang target ng komisyon noong binuksan ang registration period noong buwan ng Pebrero. Ang naturang target ay kapwa mga bagong […]

  • Ads December 16, 2023

    adsdec_162023

  • Casimero-Inoue sa December 11

    Inihayag ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero na makakasagupa nito si World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) titlist Naoya Inoue sa Disyembre 11.     Mismong si Casimero ang naglabas ng statement sa kanyang YouTube account kung saan ipinaramdam nito ang excitement na makaharap ang Japanese fighter […]