• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama sa makikita sa bago niyang vlog… BEA, nakapagpatayo na ng Beati Farm Chapel at puwede nang mag-Holy Mass

TIYAK na mami-miss na naman ng kanyang mga fans ang mahusay na Kapuso actress na si Jo Berry dahil sa Friday, April 22, ay magtatapos na ang Little Princess.  

 

 

Kaya wish nga ng mga followers ng afternoon prime drama na masundan daw agad ito ng bagong serye, na magtatampok muli kay Jo.

 

 

Sa isang interview bago nagtapos ang taping ng serye, nabanggit pala ni Jo, na muntik na  siyang mag-apply muli bilang isang call center agent.

 

 

Hindi naman kasi problema iyon kay Jo dahil bago siya napasok mag-artista, sa first serye niyang Onanay, ay iyon ang work niya, kaya nang magkaroon ng pandemic, nagplano nga siyang balikan iyon.

 

 

   “Nang magka-pandemic po tayo, hindi ko na sure kung may babalikan pa akong career, dahil nahinto nga lahat ng mga tapings at live shows, dahil sa lockdown,” kuwento ni Jo.

 

 

“One year din iyon, kaya labis ang pasasalamat ko nang i-offer sa akin ang Little Princess.’

 

 

Maraming mahihirap na eksenang ginawa si Jo sa serte kaya naman bilib na bilib ang mga netizens sa kanya, na kahit saang time slot daw ilagay ay lagi itong nagri-rate.

 

 

Thankful din si Jo dahil after nila ng lock-in taping ng serye, patuloy din siyang binibigyan ng guest appearances sa iba pang shows ng GMA, kaya labis-labis ang pasasalamat niya.

 

 

Marami pang aasahan na magagandang eksena sa Little Princess hanggang sa finale episode nila sa Friday, after ng Prima Donnas.

 

 

***

 

 

BALIK-TAPING na ang Philippine adaptation ng GMA ng Korean drama series na Start-Up na pinagtatambal nina Alden Richards at Bea Alonzo, after nilang mag-submit muli sa swab-test last Monday, April 18.

 

 

Tuluy-tuloy na raw ang taping nila at magbi-break lamang sila sa election day sa May 9, para sa kanilang taping in Metro Manila.  Ang second leg ng taping ay out-of-town na sila.

 

 

Anyway, natuloy pala si Bea na mag-stay sa kanyang Beati Farms sa Iba, Zambales with her family during the Holy Week.

 

 

Kaya nakagawa siya ng bagong vlog tungkol sa ipinatayo nilang Beati Farm Chapel, sitted sa 40 sq.m. lot inside the farm.

 

 

Tapos na ang pagkagawa, sa pamamahala ni Mommy Mary Ann niya na siya ring nag-design ng chapel at tinulungan daw sila ng Catholic Trade Manila, dahil may mga rules palang dapat sundin sa pagtatayo ng isang chapel.

 

 

Ngayon daw ay pwede na silang mag-invite ng mga karatig farms nila para mag-celebrate sila roon ng Holy Mass every Sunday or kung may occasion na dapat i-celebrate.

 

 

Kasama rin sa bagong vlog ni Bea ang bagong tayo niyang gym at ang lumalaki niyang piggery sa farm, bukod pa sa mga fruit-bearing trees doon.

 

 

***

 

 

MAGDIDIREK na rin muli ang multi-awarded director at actor na si Carlos Siguion-Reyna, para sa GMA Network, ang Apoy Sa Langit, sa Afternoon Prime drama series, na sabi’y siyang magpapainit ng ating mga hapon.

 

 

Kaya excited na ang mga netizens kung ano ba ang Apoy Sa Langit, na magtatampok kina Zoren Legaspi at Maricel Laxa-Pangilinan.  

 

 

Makakasama nila sa cast sina Mikee Quintos at Lianne Valentin.  Muling aarte sina Ramon Christopher at Mariz Ricketts na matagal-tagal na ring nagpahinga sa pag-arte.  Ilan pa sa bubuo ng cast sina Dave Bornea, Coleen Paz, Patricia Ismael at Mio Maranan.

 

 

Masaya ang perpektong pamilya nina Cesar (Zoren), Gemma (Maricel) at Ning (Mikee), nang dumating sa buhay nila si Stella (Lianne) na magpapabago sa kanilang buhay.

 

 

Mapapanood ang Apoy sa Langit, simula sa May 2, kapalit ng Prima Donnas.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Sinagot at ‘di pinalampas ang comment ng basher: KIM, naiyak at kinilabutan sa ginawang pagbati sa kanya ni VP LENI

    NAKATATANGGAP ng mga pamba–bash at kung ano-anong negatibong comments ang ipinost ng Kapamilya star na si Kim Chiu na video greetings sa kanya ni Vice President Leni Robredo.     Sa kabila nang pag-amin ni Kim na na-overwhelm siya at naiyak sa hindi inaasahang personal video greetings sa kanya noong kanyang kaarawan, todo naman ang […]

  • Umano’y massive dropout sa online class, pinabulaanan ng DepEd

    Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang ulat na maraming estudyante ang nag-dropout sa mga paaralan dahil sa mga hamon sa distance learning.     Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, pinaberipika niya ang report sa kanilang mga regional offices, ngunit wala aniyang nagkumpirma na maraming estudyanteng nag-dropout sa kanilang online class.     Karaniwan […]

  • PASASALAMAT at pagpupugay sa mga tauhan ng Accounts Management Section

    PASASALAMAT at pagpupugay sa mga tauhan ng Accounts Management Section (AMS) ng SSS Diliman Branch, Quezon City.     Naging madali ang pagkuha natin ng SSS clearance for compliance of Regional Trial Court accreditation dahil sa tulong nila. Isa kasi ito sa mga requirements na kailangan namin para sa accreditation under PD 1079 kaya labis […]