Kasama sa napiling ‘People of the Year 2025’: KRIS, first time na nagpakita sa publiko para suportahan si MICHAEL LEYVA
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
PINAG-USAPAN ang first public appearance ni Queen of All Media Kris Aquino pagkatapos ng maraming taon.
Dumalo si Kris sa awarding ng ‘People of the Year 2025’ ng PeopleAsia magazine na kung saan kasama sa pinarangalan ang kanyang malapit na kaibigang fashion designer na si Michael Leyva, kaya sinuportahan niya at personal na i-congratulate.Makikita nga ang mga larawan at video na pinost ng Cornerstone Entertainment at PeopleAsia sa kani-kanilang Instagram page noong Martes, Pebrero 25.Sinamahan si Kris ng kanyang anak na si Bimby, doktor at tatlong nars.Nakasuot siya ng dilaw na blouse na may katernong facial mask, floral na mahabang palda at fuchsia pink na blazer.Kapansin-pansin na mukhang naman masigla si Kris habang nakipagkuwentuhan sa mga dumalo at sa mga miyembro ng press.Ang kauna-unang pagpapakita publiko ni Kris na kahit sandali lang ay nasabay din ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, isang makasaysayang kaganapan hindi lamang para sa bansa kundi para sa kanyang pamilya.Tungkol naman sa espesyal pagkakaibigan nila ni Leyva, ayon sa interview kay Kris, “actually Michael is acting like dad to Bimb and Kuya (Josh), Bimb said, his parents are here.“So it’s really more than just a friend, he’s really the younger brother I never had.”“There are people who would say ‘I’ll be there for you,’ or ‘Maaasahan mo ako’ but Michael has proven so many times, and in so many ways,” dagdag pa niya.Patuloy ngang nakikipaglaban si Kris sa autoimmune diseases mula noon 2018, medyo nahuli siya sa event dahil nahihirapan daw siyang gumising dahil sa isang bagong gamot, kaya aminadong nahihilo siya sa naturang paglabas ng bahay.Kaya patuloy pa rin nating siyang ipagdasal na magtuloy-tuloy na ang kanyang paggaling nang sa ganun ay makabalik na rịn siya sa pagtatrabaho.***
𝗠𝗧𝗥𝗖𝗕, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗔𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗩 𝗡𝗘𝗧𝗪𝗢𝗥𝗞, 𝗙𝗜𝗟𝗠 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗘𝗥, 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗢𝗥, 𝗔𝗧 𝗜𝗕𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗞𝗘𝗛𝗢𝗟𝗗𝗘𝗥𝗦
NAGING maayos at makabuluhan ang isinagawang Responsableng Paggabay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Martes, Pebrero 25, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang TV Networks, producers, distributors, at iba pa mula sa industriya ng paglikha.Pinangunahan ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang naturang gawain. Kasama nito sina MTRCB Executive Director II Roberto Diciembre at Board Members Eloisa Matias, JoAnn Banaga, Bobby Andrews, at Katrina Angela Ebarle.Ang naturang aktibidad ay parte ng consultation meeting ng ahensya hinggil sa ilang mga polisiya na nais ipatupad nito upang mas mapaigting ang kampanya tungo sa #ResponsablengPanonood.Patuloy namang tinitiyak ng MTRCB na kami ay kasama at kaagapay ng industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas para sa mas responsableng paglikha at panonood tungo sa mas maunlad at progresibong #BagongPilipinas.(ROHN ROMULO)
-
PSA magsisimulang mangolekta ng data sa Hulyo 15 para sa 2024 census
NAKATAKDANG mag-deploy ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 70,000 enumerators sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangolekta ng impormasyon kaugnay sa populasyon ng bansa at listahan ng mga benepisaryo ng ‘social protection initiatives.’ Sinabi ng PSA na ang enumeration period ay opisyal na magsisimula sa susunod na Lunes, Hulyo 15, 2024, matapos ipag-utos ni […]
-
3 PVL venue pasado na
NALALAPIT nang bumalik sa ere ang Premier Volleyball League (PVL) nang pumasa sa Games and Amusements Board (GAB) ang tatlong pasilidad na gagamitin ng bagong professional women’s indoor league para sa bubble training camp sa Abril. Ayon kay PVL president Richard Palou, prub kay GAB chariman Abraham Kahlil Mitra ang Ronac Gym sa […]
-
New “Wicked” Featurette Unveils the Magic Behind Oz’s Untold Story
THE wait is finally over for fans of the hit Broadway musical, Wicked. After captivating audiences for over two decades, this beloved story is taking a leap from the stage to the big screen with its highly anticipated film adaptation. Directed by Jon M. Chu (Crazy Rich Asians, In the Heights), Wicked is set to […]