• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama sana si Sharon pero nagka-aberya dahil sa COVID-19 test” Official trailer ng ‘Easter Sunday’ ng Fil-Am standup comedian na si Jo Koy, napapanood na

PUMANAW na ang tanyag na celebrity makeup artist and stylist na si Fanny Serrano sa edad na 72 nitong May 11.

 

 

Tita Fanny or TF kung tawagin si Serrano ng mga malalapit sa kanyang sa showbiz.

 

 

Sa Facebook ng fashion designer na si Dave Ocampo, vice president for External Affairs of Designers Circle Philippines, sinulat niya: “GOOD BYE TITA FANNY SERRANO THANK YOU FOR YOUR WORDS AND THE WORDS OF LORD JESUS YOU SHARE WITH US. YOU WILL BE MISS BY YOUR DESIGNERS CIRCLE PHILIPPINES FAMILY!! LOVE YOU TF YOU ARE A FRIEND, A MENTOR, A BROTHER TO ME. THANK YOU SO MUCH!!”

 

 

Noong September 2016, tinakbo si TF sa ospital pagkatapos itong magkaroon ng massive stroke. Bago ito ay na-survive ni TF ang dalawa pang minor stroke na nakaapekto sa kanyang senses at motor skills.

 

 

Isang malaking milagro na naka-recover si TF sa ikatlong stroke niya.

 

 

Pinanganak bilang Felix Marinao Fausto Jr, sa Naga, Camarines Sur, nagtrabaho bilang isang makeup artist si TF noong 1977 para sa aktres na si Celia Rodriguez. Naging miyembro rin si TF ng kilalang gay performance group noong ’70s na Paper Dolls.

 

 

Mas nakita ang husay ni TF nang kunin na siyang makeup artist at stylist ng mga sikat na artista tulad nina Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Charo Santos, Kris Aquino, Cherie Gil, Dina Bonnevie, Amy Austria, Gina Alajar, Sandy Andolong, Ara Mina, Judy Ann Santos, Ai-Ai delas Alas at marami pang iba. Ilang beauty queens din ang pinaganda ni TF.

 

 

Bukod sa pagiging makeup artists, pinasok din ni TF ang pag-design ng mga gowns na sinuot ng ilang sa kanyang mga kliyente at nagkaroon pa siya ng sariling RTW boutique. Nag-launch din siya ng sariling cosmetic line noong 2013.

 

 

Naging artista rin si Fanny at lumabas siya sa mga pelikula. Kabilang na rito ay ang Sinasamba kita, Cover Girls, Alaga, Star!, May Isang Tsuper Ng Taksi, Bakit May Bilanggo Sa Anak Ni Eba?, Hello Lover, Goodbye Friend, Sampung ahas ni Eva, Tarima, Jesusa at Isa Pang Bahaghari.

 

 

Sa TV ay nakasama si TF sa Madam Chairman, Sirkus, Saan Ka Man Naroroon?, at sa ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya kunsaan naging direktor siya ng dalawang episodes na ‘Pusod’ at ‘Bridal Gown.’

 

 

***

 

 

MAPAPANOOD na online ang official trailer ng pelikulang Easter Sunday na bida ang sikat na Filipino-American standup comedian na si Jo Koy o Joseph Glenn Herbert sa tunay na buhay.

 

 

Isang comedy ang Easter Sunday na dinirek ni Jay Chandrasekhar at tungkol ito sa isang buhay ng isang struggling comedian at single father na dumalo sa isang Easter Sunday gathering ng kanyang loud and dysfuctional Fil-American family.

 

 

Binubuo ng Asian cast ang Easter Sunday at kasama rito ang sikat na Asian comedian na sina Jimmy O. Yang, Miss Saigon star Eva Noblezada, Lou Diamond Phillips, Eugene Cordero, Brandon Wardell, Lydia Gason, Rodney To, Hollywood comedian Tiffany Haddish at ang pumalit sa role ni Sharon Cuneta na si Tia Carrere.

 

 

Si Sharon ang original na kinuha para sa role na Tita Theresa at lumipad agad ito para sa shooting ng movie sa Vancouver, Canada na nakatakda noong May 3, 2021. Pero kinailangan na mag-dropout sa project si Sharon dahil sa false positive na COVID-19 test,

 

 

Hindi na bago sa Hollywood si Tia Carrere (Althea Rae Duhinio Janairo in real life). Nagsimula bilang singer at model si Tia bago siya nagbigyan ng big break sa American daytime soap opera na General Hospital.

 

 

      Nasundan ito ng sunud-sunod na malalaking Hollywood films at TV shows tulad ng Wayne’s World, Wayne’s World 2, True Lies, Lilo & Stitch, Duck Dodgers, Curb Your Enthusiasm, Relic Hunter, Nip/Tuck and Netflix’s AJ and the Queen.       Naging contestant din siya sa Dancing with the Stars, The Celebrity Apprentice. Nanalo din si Carrere ng dalawang Grammy Awards para sa kanyang Hawaiian albums na ‘Ikena at  Huana Ke Aloha.

 

 

Nag-pose din siya ng nude para sa January 2003 issue of Playboy.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS na i-announce na magkakaroon na sila ng baby, nagkaroon naman ng pustahan ang mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing kung ano ang magiging gender ng first baby nila.

 

 

Pakiramdam ni Rocco ay babae ang magiging panganay nila ni Melissa.

 

 

      “Nagpustahan na nga kami, hindi lang wish. Nagpustahan kami kung boy or girl. I think si Baby Nacino ay girl, si Melissa feeling n’ya boy,” sey ni Rocco.

 

 

Dahil si Melissa ang magbubuntis, nakikita na raw niya ang signs na lalake ang magiging anak nila.

 

 

“Kasi ‘di ba hindi ako palaging palaayos before. Tapos nagmamanas ako. Sabi nila ‘pag boy ‘di ba mas manas ka. Tapos ‘yung signs na mangingitim daw ‘yung kili-kili, leeg, boy daw. Parang lahat ng signs na ‘yun mayroon ako. So feeling ko boy.

 

 

      “‘Yung funny na pustahan is that ‘yung dad niya pinusta boy raw. Tapos kapag hindi raw boy siya raw magko-cover ng expenses ng panganganak ko,” natatawang kuwento ni Melissa.

 

 

Maging boy or girl ang kanilang baby, may napili na raw silang pangalan.

 

 

Sey ni Rocco: “May mga naka-save na. And we look for names na malapit sa word na faith and kindness kasi there were struggles for us kaya noong talagang pinanindigan namin ‘yung faith namin doon kami nagkaroon ng blessings. So we want to associate our babies’ name with faith.”      

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Safer Internet Day: Globe, may webinar sa online child safety at protection

    PAGTITIPON-tipunin ng Globe ang key stakeholders at multi-sectoral partners ngayong buwan sa isang webinar.     Naglalayon ito na mapalawak ang kamalayan at maisulong ang tuloy-tuloy na pagkilos tungo sa proteksyon ng mga bata laban sa1 online sexual abuse at exploitation.     Ipagdiriwang ang annual Safer Internet Day, at ang Globe ay magho-host ng […]

  • Mahigit 400 atleta dumalo sa test event ng Tokyo Olympics

    Dinaluhan ng ilang dang mga atleta sa test event sa Olympic Stadium sa Tokyo.     Isinagawa ng organizer ang nasabing hakbang para malaman nila ang ilang gagawin nilang adjustments tatlong buwan bago ang pagsisimula ng nasabing Tokyo Olympics.     Walang mga inimbitahan manood na audience sa nasabing stadium kung saan doon gaganapin ang […]

  • Estados Unidos, suportado ang panawagan ng Pinas kontra sa agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea

    SUPORTADO ng Estados Unidos ang  serye ng protesta ng Pilipinas laban sa nakagagalit na aksyon ng China sa  West Philippine Sea partikular na ang ginawang panghaharang ng China sa mga Filipino sa  resupply missions nito at pagpapadala ng  200  militia vessels sa reef na sakop ng Pilipinas.     “We share the Philippines’ concerns regarding […]