KASAPI NG INC, HINAMON NA MANINDIGAN SA KATOTOHANAN
- Published on May 7, 2022
- by @peoplesbalita
HINAMON ng isang Obispo ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo na manindigan sa katotohanan para sa ikabubuti ng bayan.
Ito ay kasunod ng pag-endorso ng pamunuan ng INC sa kandidatura nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte bilang pangalawang pangulo.
Ayon Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na bagamat kilala sa bloc voting ang grupo, mahalagang sundin ng mga kasapi ang konsiyensya at ihalal ang mga kandidatong nagtataglay ng katangian ng isang mabuting lider.
“Yan naman talaga ang gawa ng INC mag-endorse; para sa akin power bloc under the clothe of religion sila so magpakatotoo sana ang INC this time yan ang challenge ko sa kanila, sundin ang konsensya,” pahayag ni Bishop Tobias sa Radio Veritas.
Apela ni Bishop Tobias sa mamamayan lalo na sa 67-milyong botante na pagnilayang mabuti ang pagpili ng mga lingkod bayan para sa kapakinabangan ng bawat isa lalo na ang susunod na henerasyon.
Bagama’t batid ng obispo ang bloc voting ng INC naniniwala pa rin ito sa mga Pilipinong pipili ng lider na may kakayahang mamuno at may malinis na track record sa pamamahala sa bayan.
Sa datos humigit kumulang sa tatlong milyon ang mga kasapi ng INC sa buong mundo kung saan naniniwala si Bishop Tobias na hindi ito lahat rehistrado upang makalahok sa halalan o tinatayang dalawa hanggang tatlong porsyento lamang ito sa 67-milyon rehistradong botante.
Patuloy ang panawagan ng simbahang katolika na ipanalangin ang nalalapit na 2022 national and local elections upang maisagawa ito ng matapat, maayos, malinis, makatotohanan, makatarungan at pumapanig sa bayan. (GENE ADSUARA)
-
2022 polls: Presidential debate ng COMELEC, isasagawa sa Marso 19
INANUNSYO ng Commission on Elections (COMELEC) na sa darating na Marso 19 na nakatakda ang isasagawa nilang Presidential debate. Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, ito ang magiging kauna-unahang Presidential debate na pangangasiwaan ng poll body kaugnay sa national at local elections sa darating na Mayo. Sinabi ni Jimenez na lahat […]
-
Kino-consider na pasukin din ang showbiz: KIM, mukhang pursigido talagang ligawan ni Atty. OLIVER
NAGING instant celebrity ang Cebu-based lawyer na si Atty. Oliver Moeller. AyOn pa sa isang kababayan na malapit Kay Atty. Oliver ay pursigido raw ang abogado na mapalapit nang husto kay Kim Chịu. When in fact, inaalam daw madalas ni Oliver ang mga araw na bibisita si Kim sa bahay nito sa Cebu. […]
-
SHARON, aminadong na-shock sa pinagsasabi at pinaggagawa sa ‘Revirginized’; mas hahangaan ayon kay Direk DARRYL
NAGBABALA si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang FB at IG post sa paglabas ng official trailer ng Revirginized noong Linggo nang gabi, July 4, na ‘wag itong panoorin ng mga bata dahil talaga namang nakaka-shock ang mga ginawa niya sa pagbabalik-Viva Films. Panimula ni ni Mega, “(Important: BAWAL PO MANOOD ANG MGA BATA!) […]