Kasinungalingan, laganap sa Pilipinas sa panahon ng halalan – Obispo
- Published on November 26, 2021
- by @peoplesbalita
Malaki ang problema ng bayan kaugnay usapin ng katotohanan. Ito ang ibinahagi ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari at Panginoon ng Katotohanan sa gitna ng panahon ng halalan sa bansa. Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, maraming mamamayan ang madaling malinlang ng maling impormasyon at kasinungalingan dahil sa kawalan ng pagsusuri.
“Malaking issue sa atin ngayon ang katotohanan. Maraming mga tao ang hindi naghahanap ng katotohanan. They do not seek, so they do not find. Hindi sila nag-iimbistiga at hindi nga nag-aanalisa.”pagninilay ni Bishop Pabillo sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.
Ipinaliwanag ng Obispo na hindi lahat ng makikita, mababasa at mapapanuod sa iba’t ibang social media platforms ay tama at totoo. Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga ang katotohanan bilang pangunahing batayan sa paggawa ng desisyon lalo na sa nakatakdang halalan sa bansa. Iminungkahi ng Obispo na makatutulong din ang pakikipagtalakayan upang sama-samang mapalawak ang pag-unawa ng bawat isa sa mga nangyayari sa lipunan at sa mga kandidatong naghahangad na maluklok sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.
Inihayag ng Obispo na pantay-pantay at iisa lamang ang boto ng bawat mamamayan tuwing halalan na nararapat pahalagahan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
2 kelot arestado sa baril sa Caloocan
KALABOSO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang magwala at masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City. Sa nakarating na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 kahabaan ng 3rd Avenue, Brgy., 118, alas-9:00 ng […]
-
MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN
May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office. Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga […]
-
Brad Pitt Receives A $20 Million Paycheck For ‘Bullet Train’
BRAD Pitt earned $20 million for his role in the upcoming action thriller, Bullet Train. Directed by David Leitch and starring Pitt, Bullet Train tells the story of five assassins who find themselves on the same bullet train in Japan and come to realize that all of their individual missions are actually connected. Set […]