• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng COVID-19 sa Asya mas dumoble dahil sa Omicron

MABILIS ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Asya.

 

 

Itinuturing na nagtala ng all-time records ang Australia at Pilipinas habang ang India ay mayroong seven-month high nitong Enero 8.

 

 

Nagtala ang Australia ng 116,025 na kaso nitong Sabado na nahigitan ang dating record nito na 78,000 habang ang Pilipinas ay mahigiti 28,000 ang naitala na siyang pinakamataas sa loob ng dalawang araw.

 

 

Umabot naman sa 141,986 na bagong kaso rin ang naitala ng India sa loob rin ng isang araw.

 

 

Sumipa naman sa 8,480 ang naitalang kaso sa Japan mula ng tanggalin ang State of Emergency noong Setyembre.

 

 

Bumaba naman ang kasong naitala sa China kung saan mayroong 159 na kaso nitong Biyernes na mas mababa sa naitalang 174 noong nakaraang mga araw na karamihan ay mga 95 locally transmitted cases sa Henan at Shanxi province.

Other News
  • Lowest in 5-mos: 3,117 bagong nadagdag na COVID cases sa PH

    Mas mababa ang bilang ng mga naitalang bagong kinapitan ng coronavirus kumpara sa mga nakalipas na araw sa Pilipinas.     Ito ay makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang panibagong 3,117 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.     Dahil dito ang mga COVID cases mula noong nakaraang taon ay nasa 2,790,375 […]

  • Mga chikiting, puwede ng pumunta sa mga malls sa Kalakhang Maynila

    PINAPAYAGAN na ang mga menor de edad at mga chikiting na pumasok sa loob ng malls sa Kalakhang Maynila matapos na ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2 ang NCR.   Subalit paglilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na kailangang magbigay ang local government units (LGUs) ng karagdagang guidelines gaya […]

  • Pangulong Marcos, VP Sara dumausdos pa satisfaction ratings – SWS

    KAPWA  dumausdos ang satisfaction ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte noong Disyembre 2024. Sa latest Social ­Weather Stations (SWS) survey, ang net satisfaction rating ni Marcos ay pumalo sa +19 noong December 2024, o 13 percent na mas mababa sa +32 noong September 2024. Ang pagbaba ay naitala sa lahat ng […]