Kaso ng COVID-19 sa Marso, 500 kada araw na lang
- Published on March 2, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHAN ng OCTA Research Group na makapagtatala na lamang ng 500 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso.
Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base ito sa kasalukuyang pababa na ‘trajectory’ ng mga bagong kaso kada araw. Nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng 1,038 kaso sa bansa.
“We’re projecting na cases will either continue to decrease, although baka bumagal na ‘yung rate of decrease, or baka mag-plateau na rin siya,” ayon kay David.
“We are actually projecting na it will continue to decrease. Hopefully, down to around 500 cases per day sometimes March, siguro (maybe) by mid-March,” dagdag niya.
Samantala, iginiit ng DOH na na wala pa sa ‘endemic stage’ ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas sa kabila ng paglalagay sa ilang lugar sa Alert Level 1.
Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa proseso pa lang ang bansa sa pagtransisyon sa ‘new normal’.
Ibaba ang Alert Level 1 sa Metro Manila at iba pang lugar sa Marso 1 hanggang 15. Pero puwede pa itong maiakyat sa oras na tumaas muli ang mga kaso at ang hospital utilization rate.
-
Ads January 11, 2021
-
Pacquiao itinuturing na biggest challenge si Spence
Aminado si eight-division world champion Manny Pacquiao na pinakamalaking pagsubok sa kanyang boxing career ang makasagupa si Errol Spence Jr. Ayon kay Pacquiao, hindi birong kalaban ang katulad ni Spence. Una, wala pa itong talo. Ikalawa, hawak nito ang dalawang titulo — ang World Boxing Council (WBC) at Intrenational […]
-
PBBM, magkakaroon ng anim na bilateral meetings sa sidelines ng APEC summit
MAY anim na bilateral meetings ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand. “Yes, the President is having bilateral meetings with six counterparts. The arrangements are still being finalized so I’m not at liberty to disclose yet at this time which economies and leaders […]