KASO NG COVID TATAAS PA HANGGANG DECEMBER
- Published on August 12, 2022
- by @peoplesbalita
MAY posibilidad na patuloy na tataas ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas hanggang Disyembre ayon sa Department of Health (DOH)
Sa press briefing nitong Martes, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na maari pang magtuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa kahit hanggang nitong October, November, at December.
Ayon sa DOH, may posibilidad na ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas ay magpatuloy na tumaas hanggang December.
Maaaring makakita ang Metro Manila ng higit sa 10,000 kaso ng Covid-19 sa Oktubre, ani Vergeire, na binanggit ang kamakailang projection ng Australian Tuberculosis Modeling Network (Autumn).
“Meron tayong Autumn projections. ‘Yung Autumn projections po natin, we can have as high as 10,612 cases of Covid-19 dito palang sa National Capital Region by the first week of October,” dagdag pa ng opisyal.
Sinabi niya na ang mga projection na ito ay nakabatay sa iba’t ibang mga pagpapalagay tulad ng mababang booster shot coverage, mababang pagsunod sa minimum public health standards, mobility ng mga tao, at pagpasok ng mga variant ng Covid-19 virus.
Pero aniya ito ay projections base sa pagpapalagay.
Maaari aniyang mangyari ang mga projections na ito ngunit inaasahang hindi dahil mayroon tayong kontrol sa dalawa sa mga pagpapalagay na ito at iyon ang uptake ng mga booster at pagsunod sa minimum public health standards.
Noong Martes, may kabuuang 2,618 bagong kaso ng Covid-19 ang naitala, batay sa tracker ng DOH Covid-19.
Ang mga bagong kaso na ito ay nagdala ng bilang ng mga aktibong impeksyon sa buong bansa sa 36,666.
Mula noong 2020, nakapagtala na ang Pilipinas ng 3,810,772 na kaso, kabilang ang 3,713, 242 ang nakarekober, at 60,864 ang namatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
“Minions: The Rise of Gru” Traces Pre-villain Gru Long Before He Became the Master of Evil
FROM the biggest global animated franchise in history, comes the origin story of how the world’s greatest supervillain first met his iconic Minions, forged cinema’s most despicable crew and faced off against the most unstoppable criminal force ever assembled in Minions: The Rise of Gru. Minions: The Rise of Gru traces pre-villain […]
-
Mga nabakunahan na, ‘di pa rin ligtas sa COVID-19
Hindi pa rin ligtas sa virus ang mga taong nakapagpaturok na ng bakuna dahil maaaring muli silang mahawa ng COVID-19 dahil wala namang perpektong bakuna. Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination na kapag sinabing 95 percent o 70 percent efficacious, may porsyento pa rin na hindi magiging […]
-
Public safety at security measures sa mga mall, aprubado ng NPD
APRUBADO sa Northern Police District (NPD) ang mga hakbang sa seguridad at kaligtasan ng publiko na ginagawa ng mga shopping mall sa mga lungsod ng Caloocan, Valenzuela at Malabon. Personal na pinangasiwaan at ininspeksyon ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang security forces ng SM Malls sa Grand Central at Sangandaan sa Caloocan, […]