• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng dengue, leptospirosis tumataas – DOH

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na tumataas na ang mga bilang ng mga kaso ng leptospirosis at dengue sa bansa bunga ng pagsisimula ng tag-ulan at mga pagbaha.

 

 

Nakapagtala ang DOH ng 182 bagong kaso o 42% pagtaas mula Hun­yo 18-Hulyo 1, mula sa 128 na naitala sa nakalipas na dalawang linggo.

 

 

Sa record noong Hul­yo 15, kabuuang 2,079 ang leptospirosis cases simula Enero 1, at 225 ang naitalang nasawi.

 

 

Patuloy na nagpapakita ng pagtaas ng mga kaso ang Region III sa mga huling anim na linggo.

 

 

Tumaas din ang mga kaso sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Regions II, IV-A, IV-B, IX, X, XI, at Caraga na may 7 hanggang 53 bagong kaso. Habang ang Region I ay may 9 na bagong kaso at 3 sa Region V.

 

 

Sintomas ng leptos­pirosis ang lagnat, pa­nginginig, sakit ng ulo at kalamnan, pamumula ng mata, pagsusuka at paninilaw ng balat at mata.

 

 

Samantala, patuloy din ang pagtaas ng mga kaso ng dengue na nagtala ng 9,486 o 16% na mas mataas kumpara sa nakalipas na 2 linggo.

 

 

Nasa 80,318 ang dengue cases sa bansa nitong Hulyo 15 na inaasahang mas mataas pa sa pagpasok ng mga reports.

 

 

Halos lahat ng rehiyon ay may pagtaas ng mga kaso ng dengue maliban sa Region II, BARMM, at Caraga.

 

 

May 990 ang nagkaroon ng malubhang dengue, habang 299 ang namatay sa sakit. Halos 40 na namatay ay nagkaroon ng dengue nang walang sintomas, ayon sa DOH.

 

 

Ayon sa World Health Organization, ang dengue ay nakukuha sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng mga babaeng lamok, pangunahin ang Aedes aegypti na lamok. Tumatagal ang sintomas ng 2-7 araw.

 

 

Bagama’t ang karamihan sa mga kaso ng dengue ay asymptomatic o nagpapakita ng mga banayad na sintomas, maaari itong magpakita bilang isang malubha, tulad ng trangkaso na sakit na nakakaapekto sa mga sanggol, maliliit na bata, at matatanda ngunit bihirang maging sanhi ng kamatayan.

Other News
  • SHARON, nanawagan na ipagdasal ang kanyang ‘Pawiboy’ na may heart enlargement; netizens, napa-’sana all’ sa biniling LV collar

    MAY latest update si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang inampon na Aspin na si Pawi.     Post niya sa kanyang IG account, “Latest update on my baby Pawiboy. PLEASE PRAY FOR MY DOGGIE…his heart is enlarged… @gumabaomarco Daddy Pawi pray for Pawiboy please.”     Agad namang nag-comment ang followers ni Sharon at nagpahatid na […]

  • Pinas may silver na

    TUMIYAK ng silver me­dal ang Philippine national beach handball team matapos magposte ng 3-1 record sa 31st Southeast Asian Games kahapon sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam.     Muling tinalo ng mga Pinoy bets ang Thailand, 2-1, sa ikalawa nilang pagtutuos matapos kunin ang 2-0 panalo noong Biyernes.     Ang […]

  • ‘Euphoria’ star Hunter Schafer Joins ‘The Hunger Games: The Ballad of Songbirds and Snakes’

    THE Hunger Games: The Ballad of Songbirds & Snakes has just grown its cast even further, adding up-and-coming actress Hunter Schafer.     The Lionsgate prequel to the hit YA trilogy is based on Suzanne Collins’ 2020 novel, The Ballad of Songbirds & Snakes, which tells the story of a young Coriolanus Snow. The studio […]