• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASO NG OMICRON VARIANT, WALA PANG NAITALA

Wala pa ring  naitatalang kaso ng Omicron variant, base sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center sa mga samples hanggang nitong Dec.6

 

Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum ngayong  Lunes.

 

Ayon kay Vergeire  mula sa 19,305  samples na may lineage , pawang mga Delta, Alpha at Beta lamang ang natukoy.

 

Mula Nov.15 hanggang 29  arrivals,  mayroong 253 indibidwal  ngayon na galing ng South Africa na minomonitor na ng DOH.

 

Ito aniya ang mga bina- backtrace ngayon na mga indibidwal para  makita  kung sino sa kanila ang magpopositibo kapag nag-retest na puwedeng isequence .

 

Sa ngayon aniya  ay nagku-quarantine na lahat ang mga na-locate. GENE ADSUARA 

Other News
  • Transportation Sec. Dizon nanumpa na kay PBBM sa Malakanyang

    NANUMPA na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr araw ng Huwebes sa Palasyo ng Malakanyang ang bagong talagang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Secretary Vince Dizon. Binigyang-diin ng Pangulo kay Dizon na bilisan ang mga proyekto sa transport system ng sa gayon maibsan na ang paghihirap ng mga commuters sa pag commute patungo sa […]

  • Presidenstial aspirant Yorme Isko Moreno, suportado ng Cebuanos

    LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon.     […]

  • Ads May 17, 2023