Kasong kriminal at administratibo ihahain kina PhilHealth President at CEO Morales at iba pa
- Published on September 17, 2020
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer.
Mismong si Pangulong Duterte ang nagbasa ng rekomendasyon ng task force sa public address nito, Lunes ng gabi.
“I’m sorry for them but they will have to undergo trial,” ayon kay Pangulong Duterte.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng task force on PhilHealth.
Kabilang sa mga sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ay sina Morales, Senior Vice President (SVP) Jovita Aragona, Officer in Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Pargas, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.
Sinabi naman ng Department of Justice na isinumite ng task force ang kanilang report kay Pangulong Duterte araw ng Lunes.
Kasama sa mga alegasyong korapsyon na binanggit ng task force ang procurement ng overpriced IT equipment; kwestyunableng paglalabas ng funds sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM); at umano’y manipulasyon ng financial status ng korporasyon.
Mababatid na tinapos na ng Senate Committee of the Whole ang sarili nilang imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth at inirekomendang kasuhan sina Health Secretary Francisco Duque III, ai Morales, at iba pang top-ranking officials ng ahensya dahil sa misuse ng mga pondo sa ilalim ng emergency cash advance measure. (Daris Jose)
-
Retired referee Carlos Padilla, ‘inupakan’ ni Nedal Hussein matapos ang rebelasyon; tinawag na ‘kriminal’
Nakarating na sa kaalaman ng dating Australian professional boxer na si Nedal Hussein ang naging rebelasyon ni retired boxing referee Carlos Padilla sa naging “pandaraya” nito noon sa laban nila ni Manny Pacquiao. Sa isinagawang panayam sa kaniya, inamin ni Padilla na tinulungan niya si Pacquiao upang matalo ang kalaban nitong si Hussein sa […]
-
30% ng mga residente sa NCR, nananatiling hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19 — Usec. Diño
MAY 30% pa rin ng mga residente sa National Capital Region (NCR) ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakunahan laban sa COVID-19 “Sa Metro Manila, puwede na kaming pumalo ng 30%,” ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño. “Mataas ang herd immunity natin sa Metro Manila. Siguro pumalo […]
-
Kung matutuloy mag-guest sa ‘Bubble Gang’: MICHAEL V., nakaisip na agad ng project na pwede nilang gawin ni VICE GANDA
NGAYONG nasa GTV na ang noontime show na “It’s Showtime,” naging open na ang main host nito na si Vice Ganda na type niyang mag-guest sa mga GMA shows. Kaya naman nakaisip agad si Michael V. ng isang project sakaling gustong mag-guest ni Vice sa “Bubble Gang.” Ayon pa kay Bitoy, open daw si […]