• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasong kriminal at administratibo ihahain kina PhilHealth President at CEO Morales at iba pa

INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng  task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang  executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer.

 

Mismong si Pangulong Duterte  ang nagbasa ng rekomendasyon ng  task force sa public address nito, Lunes ng gabi.

 

“I’m sorry for them but they will have to undergo trial,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng  task force on PhilHealth.

 

Kabilang sa mga sasampahan ng kasong kriminal at administratibo  ay sina Morales, Senior Vice President (SVP) Jovita Aragona, Officer in Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Pargas, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.

 

Sinabi naman ng Department of Justice  na isinumite ng task force ang kanilang report kay Pangulong Duterte araw ng Lunes.

 

Kasama sa mga alegasyong korapsyon na binanggit ng task force ang procurement ng overpriced IT equipment; kwestyunableng paglalabas ng funds sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM); at umano’y manipulasyon ng financial status ng korporasyon.

 

Mababatid na tinapos na ng Senate Committee of the Whole ang sarili nilang imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth at inirekomendang kasuhan sina Health Secretary Francisco Duque III, ai Morales, at iba pang top-ranking officials ng ahensya dahil sa misuse ng mga pondo sa ilalim ng emergency cash advance measure. (Daris Jose)

Other News
  • NAIA glitch ‘di cyber attack – CAAP

    MALABONG cyber-attack ang naging dahilan ng aberya sa air traffic management system (ATMS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Bagong Taon.     Ito ang sinabi ni Civil Aviation Authority of the ­Philippines (CAAP) executive director Manuel Tamayo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.     […]

  • ‘Hulihin na’: Apollo Quiboloy ipinaaaresto ng Senate committee

    INIREKOMENDA na ng Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na ipaaresto ang religious leader na si Apollo Quiboloy dahil sa patuloy na pag-isnab sa mga pagdinig kaugnay ng reklamong pang-aabuso sa miyebro.     Ito ang binasa ni committee chair Sen. Risa Hontiveros sa kanyang opening statement ngayong Martes sa pag-asang […]

  • Taas-sahod ng manggagawa, tiniyak ng DOLE

    TINIYAK ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na makapagpapatupad ang pamahalaan ng umento sa sahod sa lalong madaling panahon.     Ang pagtiyak ay ginawa ni Laguesma sa isang panayam sa radyo, kasunod na rin ng kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang minimum wage rates sa bansa.   […]