• April 1, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasong murder sa mga may sakit ng Covid-19 na hindi nag-iingat para makahawa ng iba

MAAARING panagutin sa kasong murder ang mga may sakit ng COVID-19 na hindi nag-iingat para na hindi makahawa ng iba. 

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay tila pinaboran ng Chief Executive ang naging mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na may mga mabibigat na parusa na maaaring ipataw sa mga patuloy na lumalabag sa health protocols na itinakda ng gobyerno.

 

“Kasi iyong unang sitwasyon hindi niya alam na may sakit siya, baka nahawa lang siya, kaya kung iyon po ay namatay pupwede iyon pumasok sa homicide. Pero kung maselan ito na sugat o injury, maaaring reckless imprudence resulting to physical injury or depende kung serious or less serious. Pero kung alam niya, at pumunta sa isang lugar at may sakit siya ng coronavirus, at namatay, ay iyan po ay talagang sadyang pagpatay iyan. Iyan po ay papasok sa murder sapagkat intentional,” paliwanag ni Panelo.

 

Ang naging tugon naman ng Pangulo ay “Iyong sabi mong murder, although medyo malayo siguro sa isip ng tao iyan, but it is possible. If he knows that he is sick with COVID-19, and he goes about nonchalant, papasyal pasyal ka lang diyan. You are maybe it if it is intentional, malayo iyan. Pero it could be murder sabi ni Sal. At iyang reckless imprudence, mas swak doon sa sitwasyon na iyon.”

 

Maliban sa homicide at murder, puwede rin aniyang mapanagot ang mga sumusuway sa health protocols sa mga kasong resistance or disobedience to authorities at paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, ayon kay Panelo.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na may mga naitatala pa rin ang Philippine National Police na mga paglabag sa health protocols.

 

Sa katunayan aniya ay pumalo na sa 50,021 ang hindi nagsusuot ng face mask, habang nasa 613 ang dumalo sa mga mass gathering. Mayroon ring 13,882 na lumabag sa physical distancing.

 

Ayon sa Kalihim, mahigit 1,000 na ang nasampahan ng kaso sa korte.

Other News
  • Cool Smashers balik-ensayo agad para sa Asean Grand Prix

    BALIK-ENSAYO  agad ang Creamline Cool Smashers para paghandaan ang sunod na pagsabak nito sa Asean Grand Prix na gaganapin sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11.     Galing ang Cool Smashers sa dalawang magkasunod na torneo.     Una na ang Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na pinagreynahan ng Cool Smashers. […]

  • Walang “favoritism” sa distribusyon ng Covid-19 vaccine

    WALANG “favoritism” sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng bansa.   Ito ang tugon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa sinabi ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong “palakasan” o patronage system sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines.   “Dini-distribute natin ang ating mga vaccine […]

  • Isa rin sa masugid na taga-suporta ni VP Leni: KYLA, nangangarap din at punumpuno ng pag-asa para sa ating bayan

    HIYAWAN ang may 70,000 tagasuporta ni Vice President Leni Robredo noong Biyernes (March 11) sa Paglaum Stadium sa Bacolod City nang iparinig ni Kyla ang kanyang Knock Knock Leni.     Isa si Kyla sa mga malalaking pangalan ng showbiz at musika na nagbigay-saya sa isinagawang VP Leni Bacolod rally. Bukod kay Kyla, nagbigay saya […]