• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kathryn, pinuri ang SMC sa ginawang pag-rescue sa mga naiwang aso sa Bulacan

BILANG isang fur mom ng labing-isang aso, natuwa si Kathryn Bernardo na inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulakan, kung saan itatayo ang Manila International Airport project.

 

      “I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,” wika ni Bernardo, na maliban sa pagiging endorser ng Nutrichunks dog food at endorser rin ng Magnolia Ice Cream at San Mig Coffee Crema White.

 

      “I’m happy that these dogs were rescued and, hopefully, will be adopted by loving homes. Thank you, San Miguel,” dagdag pa niya.

 

Matapos malaman ang kalagayan ng 70 aso na naiwan sa Barangay Taliptip ay nagpadala agad ang SMC ng Nutrichunks dog food para mapakain sila.

 

Sa tulong ng Animal Kingdom Foundation (AKF), may 53 nang aso ang na-rescue simula noong Nobyembre 16 at nailipat sa AKF shelter sa  Capas, Tarlac. May natitira pang 20 aso na kailangang i-rescue sa mga susunod na araw.

 

Ang mga asong dinala sa AKF sa Tarlac ay gagamutin at kakapunin baka sila ihanap ng mga mag-aampon.

 

Nauna nang pinasalamatan ni Bernardo ang SMC, na pinamumunuan ni president at chief operating officer Ramon S. Ang sa paggawa ng paraan para magkaroon ng hanapbuhay at oportunidad sa pagnenegosyo  sa Central Luzon sa pamamagitan ng Manila International Airport at Bulacan Airport City Freeport Zone.

 

Ayon kay Kathryn ay mahalaga ang hanapbuhay para sa maraming Pilipino dahil pandemyang dulot ng Covid-19.

 

Maliban sa relokasyon ng mga taga Taliptip mas mas matibay at maayos na bahay ay nagpatraining ang SMC para sa mga gustong magtrabaho sa airport sa ilalim ng livelihood and skills development program sa ilalim ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA). (ROHN ROMULO)

 

Other News
  • Carlos Agassi, ‘trauma’ na sa napapadalas na ‘b-day accident;’ nadulas habang nagdyi-gym

    Hindi maipaliwanag ni Carlos Agassi kung nagkakataon lang ba o kung may anumang ipinahihiwatig sa kanyang buhay, ang madalas na pagkasangkot nito sa aksidente bago ang kanyang birthday.   Sa darating na Sabado, December 12, magdiriwang ng kanyang 41st birthday ang actor/dancer ngunit muli itong babalik sa ospital sa Biyernes.   Ito’y para alisin ang […]

  • Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC

    IPATUTUPAD pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya.     Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang […]

  • 1st batch sana ng COVID-19 vaccines, maaantala ang pagdating sa bansa – Dizon

    Inianunsyo ng National Task Force na maaantala umano ang pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccines mula sa Pfizer at AstraZeneca.     Inaasahang ngayong linggo sana darating ang 117,000 doses ng bakuna at magagamit na Pebrero 15.     Sinabi ni National Task Force deputy chief implementer Vince Dizon, nagkaroon ng delay sa pagproseso […]