• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Boss’ ng ‘pastillas’ scheme, 3 pang ex-Immigration officials pina-contempt ng Senate panel

NA-CITE in contempt ng isang Senate panel ang sinasabing “boss” ng corruption scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at tatlong iba pang sangkot na dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI).

 

Kinilala ang mga ito na sina dat- ing Bureau of Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas; dating Immigration Special Operetions Communications Unit head Maynardo Mariñas; at mga Immigration personnel na sina Totoy Magbuhos at Daniece Binsol.

 

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, nabigo kasi ang mga ito na dumalo sa imbestigasyon ng mataas na Kapulungan kahit nakatanggap na ang mga ito ng subpoena.

 

“Para sa mga implicated na akala niyo puwede niyong ismall-in ang investigation ng Committee na ito, nagkakamali kayo,” wika ni Hontiveros.

 

“I request the Sergeant-at-Arms of the Senate to present you before the Committee next hearing,” dagdag nito.

 

Sa ilalim ng Senate rules, ang mga na-cite in contempt ay maaaring idetine ng Sergeant-at- Arms ng upper house para siguruhing dadalo ito sa pagdinig.

 

Una nang nagsumite ng liham si Atty. Joel Ferrer sa komite para i-excuse ang mag-amang Mariñas na dumalo sa lupon, ngunit hindi natalakay ang rason ng kanilang pagliban sa hearing.

 

Ang apat na dating Immigration officials ay ipinatawag sa Senado matapos bansagan ng whistleblowers na sina Alex Chiong at Jeffrey Dale Ignacio na mga “boss” ng pangingikil sa NAIA. (Ara Romero)

Other News
  • Yee, Davao kampeon sa MPBL Lakan Cup

    NAGPASOK ang ex-pro na si Mark Yee ng krusyal na three-pointer sa  pinaleng 13.4 segundo upang paalpasin at  paghimagsikin ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa San Juan Knights Go For Gold sa Game Four overtime, 89-88, at sunggaban ang 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 title Linggo ng gabi sa Subic Bay Gym bubble.     […]

  • Across-the-board para sa mga manggagawa sa pribadong sektor… P200 umento sa sahod lusot na sa House panel

    INAPRUBAHAN na ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang P200 across-the-board na umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Kung mapagtibay bilang batas, oobligahin ang lahat ng mga pribadong negosyo, gaano man kalaki ang industriya, na magpatupad ng P200 arawang umento sa suweldo ng kanilang mga manggagawa. “The House of the People […]

  • PDu30, inaasahan na magagampanan ni Gen. Cascolan ang 3 task sa panahon ng termino nito

    INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa na magagampanan ni   incoming Philippine National Police chief Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ang tatlong atas sa panahon ng kanyang termino.   Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kailangan na panindigan ni Cascolan ang rule of law, alisin ang mga kurakot na pulis at panatilihin ang laban sa […]