• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KATRINA, wini-wish ni Direk LOUIE na manalo ng acting award sa ‘AbeNida’

NATAPOS na ni Direk Louie Ignacio ang shooting ng kanyang passion project titled AbeNida under BG Productions International.

 

 

Matagal nang pangarap ni Direk Louie na gawin ang kwentong ito na ang script ay isinulat ng award-winning writer-director na si Ralston Jover.

 

 

It took eight years before AbeNida came into fruition. Hinintay kasi talaga ni Direk Louie ang availability ni Allen Dizon na only choice niya to play the lead actor sa kanyang bagong masterpiece.

 

 

Bilib kasi si Direk Louie sa husay ni Allen at gusto pa niya to challenge him more kaya dito niya ipinagkatiwala ang papel ng eccentric na sculptor na mayroon mental condition.

 

 

For sure, happy si Direk Louie dahil natupad na rin finally ang dream niya na maidirek sa pelikula si Allen who won plenty of acting awards para sa indie film na Magkakabaung, including the highly-coveted Gawad Urian.

 

 

Masaya rin si Direk Louie na nakagawa na rin siya ng movie with Katrina Halili, who plays a dual role sa AbeNida. Nasa StarStruck palang si Katrina ay bilib na siya rito at matagal na rin niyang dream na maidirek ito sa pelikula.

 

 

Para kay Direk Louie, Katrina is an underrated actress. Mahusay ito at may ibubuga sa acting. It’s just a matter of finding the right acting project for her.

 

 

Ang wish nga niya ay magwagi ng acting award si Katrina for AbeNida. If that happens, Direk Louie will be very happy dahil he can bragging rights na sa movie niya nanalo ng award si Katrina.

 

 

Tutok na tutok si Direk Louie in all aspects of production ng movie, sa production design, cinematography, music, at acting ng mga artista. Gusto niya na maging maganda ang proyekto na nasa post-production work na.

 

 

Feeling ni Dennis C. Evangelista, ang line-producer ng AbeNida, ito ang best work so far ni Direk Louie.

 

 

Kasama rin sa cast sina Leandro Baldemor, Gina Pareno, Joel Lamangan at Laurice Guillen in rare acting jobs.

 

 

Ang AbeNida ang comeback movie ng BG Productions International after two years of inactivity.

 

 

***

 

 

KABILANG ang members of the media sa beneficiary ng Iglesia ni Cristo’s Lingap sa Mamamayan relief assistance project para sa mga taong biktima ng pandemya.

 

 

Ang mga media frontliners, na patuloy na naghahatid ng balita despite the pandemic, ay nakatanggap ng goodwill bags na naglalaman ng grocery items, canned goods at health essentials tulad ng face masks at face shield sa isang maiksing seremonya na ginawa sa INC compound noong May 28, 2021.

 

 

Ayon kay Bro. Glicerio P. Santos IV ng INC Finance Department at siyang representative ng INC at Felix V. Manalo Foundation sa turnover ceremony, “the activity is a testament to the concern of the INC head, Brother Eduardo V. Manalo, for the welfare of everybody – both members and non-members of the Church.”

 

 

“The INC will not stop in helping our fellowmen as this is in accordance with the biblical teaching to love our fellowmen.”

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Caloocan LGU, magtatayo ng “Tahanang Mapagpala”

    SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD), ang construction ng bagong social development center na tinawag na “Tahanang Mapagpala”, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony nito sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa Barangay 171 Bagumbong.     Ang Tahanang Mapagpala ay magiging tahanan […]

  • Ads February 8, 2020

  • Sen. Hontiveros: Masterminds sa likod ng ‘pastillas’ scheme, nakapagbulsa ng halos P40-B

    AABOT umano ng halos P40 billion ang naibulsa ng mga taong nasa likod ng kontrobersiyal na “pastillas” scheme sa Bureau of Immigration (BI) at pag-abuso sa Visa Upon Arrival (VUA) system simula noong 2017.   Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, tinatayang limpak limpak na salapi ang nakurakot ng mga opisyal ng BI base sa arrival […]