• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Katuwang na sa paghahanap ng pondo: VILMA, mas na-appreciate ang nagawang movies na ni-restore

KAHIT na masama ang pakiramdam ay hindi binigo ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang mga estudyante ng Senior High School ng UST. 
Punum-puno ang auditorium ng Blessed Pier Giorgio Frassati ng mga Senior High students ng UST na maaga pa lang ay nagtiyagang pumila para manood ng film showing and talk back ng pelikulang “Anak”.
Tuwang-tuwa si Ate Vi dahil kahit hindi na inabot ng mga estudyante nang ipalabas ang movie 24 years ago ay na-appreciate nila ang nasabing pelikula.
  “Nakikita n’yo yung enthusiasm nila at excited sila to ask and learn kung ano ang mga ginagawa namin.
   “I mean gusto nilang marinig ang mga experiences namin doing the movie,” bungad pa ni Ate Vi nang makausap namin after the showing and talk back ng pelikula.
  Kaya nga ganado si Ate Vi to reach out the Gen Z or the millennials na ipaliwanag sa mga ito ang pagkakaiba ng mga gingagawa nila noon.
  “İsa rin sa advocacy ko to restore sa mga dating movies, problema nga lang wala nga lang tayong enough funds, “ dagdag pa ni Ate Vi.
Ayon pa sa aktres na maraming mga lumang pelikula na pwedeng I restore kagaya ng “Tagos ng Dugo” at iba pa.
  “Sa totoo lang, nang mapanood ko ngayon yung mga dati kong pelikula na ni-restore, eh, parang ngayon ko lang na-appreciate ang mga nagawa ko, “ matatawang pang banggit ng premyadong aktres.
  Sa ngayon daw ay isa si Ate Vi sa katuwang sa paghahanap ng pondo para sa restoration ng mga critically acclaimed movies.
***
PARA kay Ate Vi ay na-challenge pa rin siya na gumawa ng pelikula after “I Met You In Tokyo” na hindi lang naging box-office hit ay dalawang best actress award din ang nasungkit niya.
  Sa ngayon ay sunod-sunod ang offers kay Ate Vi to do another movie.
   May mga ibinigay sa kanyang scripts.
   “Meron akong mga script na all of them naman is good. Pero parang hindi pa ako ready to accept,” sey pa ni Ate Vi.
   At this moment, ano pang klase ng pelikula ang nasa isip niya na maaari niyang gawin?
  “Well, naghahanap ako ng tipong parang “
‘Bata, Bata, Paano ka Ginawa’.
   “Although, isa siyang award-winning novel pero andun yung kakaibang at May juror,” dagdag pa ng premyadong aktres.
  Sa isang banda, ano ang masasabi ni Ate Vi sa clamor ng halos lahat na maging next National Artist?
   “Well, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa mga ginagawa nila, sa mga Vilmanians at sa iba, doon palang panalo na ako.
 “Pero sinasabi ko na naniniwala naman talaga na if it’s not meant to be, hindi talaga.
  “Kasi kahit anong gawin mo, kung para sa ‘yo yun, para sayo yun, kung hindi eh, di hindi.
  “Kaya ipagpaDiyos na lang natin, “ Paliwanag pa rin ng nag iisang Vilma Santos-Recto.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • Humbling experience na ginu-groom na ‘next big star’: RURU, feeling blessed and thankful sa opportunity na ibinigay ng GMA

    ISA si Ruru Madrid sa ginu-groom ng GMA Network to become it’s next big star.     Feeling blessed and thankful si Ruru sa opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA at ng Sparkle (bagong tawag sa Artist Center na pinamumunuan ni Johnny Manahan).     Humbling experience daw ito for Ruru dahil alam niya […]

  • PBA training simula na!

    Umarangkada na ang pagbabalik-ensayo ng PBA teams bilang paghahanda sa PBA Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Hunyo 15.     Nanguna ang Meralco Bolts sa mga maagang nakapagsimula matapos makumpleto ang lahat ng requirements kabilang na ang importanteng swab test.     Tumulak kahapon ang buong delegasyon ng Bolts sa Laoag, Ilocos […]

  • Ads March 21, 2023