• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kauna-unahang gamot laban sa COVID-19, inaprubahan na sa China

Inanunsyo ng Zhejiang province sa China na inaprubahan na ang kauna-unahang gamot na makatutulong daw sa mga pasyente laban sa deadly virus na novel coronavirus.

 

Ayon sa Taizhou government sa Zhejiang ang gamot na Favilavir, na dati ang pangalan ay Fapilavir, ay maituturing daw na epektibo bilang antiviral ay aprubado na para ibenta sa merkado.

 

Ang naturang gamot ay na-develop ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company bilang unang anti-novel coronavirus drug na puwede nang ibenta ng National Medical Products Administration mula nang magkaroon ng outbreak noong buwan ng Disyembre.

 

Ang Zhejiang province ay merong kaso ng mga pasyente na umaabot na sa 1,167.

 

Iniulat naman ng Ministry of Science and Technology ang Favilavir ay isa sa tatlong gamot na nagpapakita ng pagiging epektibo sa paggamot sa novel coronavirus matapos ang isinagawang mga clinical trials.

 

Samantala, umakyat na ang bilang sa mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease 1,770 habang mahigit naman sa 71,000 ang nagkasakit mga iba’t ibang panig ng mundo. (Daris Jose)

Other News
  • Ngayong nasa wastong edad na: JILLIAN, mas may pressure sa sarili dahil gustong mag-improve

    NGAYONG eighteen years old na si Jillian Ward na nagkaroon ng isang pabulosong debut party noong February 25 sa Cove ng Okada Manila.     Ano ang maituturing ni Jillian na malaking pagbabago sa kanyang personal na buhay ngayong disiotso anyos na siya?     “Sa totoo lang po, wala po masyado.     “Siguro […]

  • Saso kumita ng P564K

    BITIN ang paghahabol ni Yuka Saso na naka- two- under -70 pa-total 286 at humilera sa walong magkakatabla para sa ika-14 na puwesto na may ¥1,226,250 (P564K) bawat isa sa pagwawakas nitong Linggo ng 53rd Japan Women’s Open Golf Cham- pionship 2020 sa The Classic Golf Club sa Miyawaka City, Fukuoka Prefecture na kinopo ni […]

  • NA-RAPE NA OFW SA KUWAIT, NANALO SA KASO, NAKAUWI NA

    NAKAUWI  na rin sa  Pilipinas ang isang Overseas Filipino Workers  (OFW) matapos manalo sa kasong rape  laban sa mga otoridad ng Kuwaiti na nanggahasa sa kanya , walong taon na ang nakalilipas. Nakasama na rin ni Marites Torijano ang kanyang pamilya sa PIlipina matapos  ang kanyang pananatili ng walong taon sa Migrant Workers and Other […]