Kawani ng PSC na dawit sa daya-sahod kinasuhan
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
NABUKING ng Department of Justice (DoJ) ang mga dahilan para sa reklamo na isinampa ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating kawani na sangkot sa payroll padding scheme sa nakalipas na taon.
Sa may 23-pahinang resolusyon na nilagdaan nitong isang araw nina Assistant State Prosecutor Moises Acayan, Sr. Deputy State Prosecutor Richard Fadullon at Prosecutor General Benedicto Malcontento, sinampahan ng maraming bilang ng kwalipikadong pagnanakaw, tangkang pagnanakaw, pandaraya na nauugnay sa cyber at sa computer sina Paul Ignacio, Michaelle Jones Velarde at Lymuel Seguilla.
Nakaresolusyon kay PSC Chairman Butch Ramirez na tumalima sa kaso kumilos naman kaagad nang matuklasan ang pandaraya sa pagpapasaklolo sa NBI, Solicitor General at Anti-Money Laundering Council (AMLC).
“It is a regrettable incident but it compelled us to fast-track upgrades and consider a second-look at existing processes,” pahayag niya. (REC)
-
Ads March 30, 2023
-
Kalye sa Navotas isinailalim sa 2-linggong lockdown
Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang Block 31, Lot 36, Brgy. NBBS, Dagat-dagatan sa Navotas City mula 5 December, 5:01am, hanggang 19 December, 11:59pm alinsunod sa Executive Order No. TMT-056, series of 2020. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa isinagawang contact tracing at house-to-house survey, napag-alaman nila na may apat na nagpositibo sa COVID-19 […]
-
Vaccine rollout sa Quezon City, umarangkada na rin
Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa mga health workers sa Quezon City General Hospital, ang isa sa QC run hospital na tumanggap ng 300 doses ng Sinovac vaccines mula sa pamahalaan. Pinangunahan ni QC mayor Joy Belmonte ang pagbabakuna sa may 300 healthcare workers na lumagda sa programa. Ang mga healthcare workers lamang […]