Kawhi Leonard nagbaon ng game-winner kontra Hornets
- Published on December 8, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAGSIGAWAN ni Kawhi Leonard ang balik mula right ankle sprain nang ibaon ang game-winner sa 119-117 win ng Clippers kontra dinayong Hornets sa Spectrum Center sa Charlotte nitong Lunes.
“I don’t think anybody loves playing this game more than me,” pakli ni Leonard, pinakawalan ang winner 1.4 seconds sa orasan at tumapos ng 16 points. “It was great that I was able to make that shot.”
Bumalik din mula hamstring strain si Paul George at nagsumite ng 19 points, 7 assists sa Los Angeles na humugot pa ng tig-13 markers kina Reggie Jackson at Nic Batum.
Nag-ambag si John Wall ng 12 points at 12 assists.
Naunang nagarahe si George noong Nobyembre 19, makalipas ang dalawang araw ay sumunod si Leonard.
Umiskor ng 28 si Kelly Oubre, may 26 si PJ Washington sa Hornets. (CARD)
-
Ads November 18, 2022
-
Facility quarantine sa asymptomatic, mild COVID cases mandatory na – IATF
INOOBLIGA na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga positibo sa COVID-19 na asymptomatic at mild ang sintomas na ma-quarantine sa mga pasilidad na aprubado ng gobyerno. Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, nakapaloob ito sa IATF Resolution No. 74 kung saan nakasaad na mandatoy sa asymptomatic at mild […]
-
Pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga PUV drivers, target hanggang March 25 – DOTr
UMAPELA ang Department of Transportation (DOTr) ng pag-unawa sa ilang PUV (public utility vehicle) drivers na makakaranas ng delay sa matatanggap na fuel subsidy kasunod ng ilang serye nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hanggang Marso 25 nila target maibigay sa mga PUV drivers […]