Kaya itinuloy na lang ang acting career: CARLOS, kinalimutan na ang pangarap na maging doktor
- Published on June 30, 2022
- by @peoplesbalita
KINALIMUTAN na ni Carlos Dala ang pangarap niyang maging doktor.
Sa storycon ng bagong movie ni Jay Altarejos titled “Pamilya Sa Dilim” ibinahagi ng mahusay na actor na suportado ng kanyang mga magulang ang desisyon niya na gawin career ang pag-aartista.
Ayon kay Carlos, mas gusto niya na ituloy ang kanyang acting career at huwag na pumasok sa medical school as originally planned. Sa tingin niya ay mas nababagay ang talent niya sa acting kaya ito ang kanyang ipu-pursue.
Sabi pa ng mainstay ng “A Fake Life”, sobrang honored sa pagkakataon na naibigay sa kanya para maging bahagi ng isang magandang show. Magandang learning experience daw ito sa kanya dahil maraming siyang natutunan being part of the show.
“Ibang mundo rin talaga ang paggawa ng isang soap opera, lalo na ‘yung panghapon tapos sa isang major network pa. Sobrang masaya lang na makasama kong ‘yung cast sa show,” pahayag pa ni Carlos.
Unang napansin ang husay ni Carlos sa indie movie na “1-2-3 (Gasping for Air)” na naging opening film ng Cinemalaya noong 2016.
Excited siya na makatrabaho sina Allen Dizon at Laurice Guillen sa “Pamilya sa Dilim” na produced ni Mr. Art Cruz ng ADCC Productions.
Teenager na biktima ng EJK ang role ni Carlos sa movie at gusto raw niya bumuo ng magandang karakter sketch para sa role niya sa movie.
Kasama rin sa movie sina Therese Malvar at Barbara Miguel na co-stars ni Carlos sa “1-2-3 (Gasping for Air).” Reunion movie nila ito na ang script ay isinulat ni Jay Altarejos.
***
MAY plano pa rin magdirek ng pelikula ang award-winning actress-director na si Laurice Guillen, lalo na kapag may dumating na magandang script.
Pero balik-acting muna siya sa “Pamilya sa Dilim” kung saan importanteng papel bilang matriarch ang ginagampanan niya.
Enjoy naman si Direk Laurice working with a young cast sa mga TV shows na ginagawa niya. Masarap daw katrabaho ang mga bata dahil marami siyang natutuhan dito.
Excited si Direk Laurice sa role niya sa “Pamilya sa Dilim” dahil maganda ang script na isinulat ni Jay Alterejos.
***
TAPOS na ang shooting ng “Finding Daddy Blake”, according sa producer nito na si Marc Cubales.
Nasa editing stage na ang pelikula pero by October ay ipalalabas na ito.
“Excited na nga ako then after that itutuloy ko na yung ibang pending project,” pahayag pa ng model-turned-producer.
Tampok sa cast ng Finding Daddy Blake sina Oliver Aquino, Gio Alvarez, Jonathan Ivan Rivera, Carlos Dala at Tommy Alejandrino. The movie is directed by Jay Altarejos.
Hindi pa nire-reveal ni Direk Jay kung sino ang gumaganap sa pivotal role ni Daddy Blake pero ang naging biktima niya ay sina Oliver at Carlos ang gumaganap.
Sa ngayon ay focused si Marc sa pagtulong sa mga school sa San Mateo Rizal at Montalban. Dati pa rin naman involved si Marc sa charity work at pagtulong sa mga nangangailangan.
Pero excited na siya na mapanood ng mga tao ang “Finding Daddy Blake” dahil explosive ang pelikula.
(RICKY CALDERON)
-
Buti na lang at natapos sa tulong ng mga nanood ng concert: SHARON, emosyonal pa rin ‘pag kinakanta ang ‘Bituing Walang Ningning’ dahil kay CHERIE
NAGING matagumpay ang first leg ng concert ni Megastar Sharon Cuneta sa Adelaide, Australia last October 15. Sa kanyang IG post nagpasalamat nga siya sa mga nanood, “One down, three to go in Australia! Thank you, ADELAIDE for coming to my show last night and for all your love. I love you all!!! […]
-
PUJ CONSOLIDATION, MULING BINUKSAN NG LTFRB
BINUKSANG muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga aplikasyon para sa konsolidasyon sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ng gobyerno hanggang November 28 ngayong taon. Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang mga unconsolidated public utility vehicle drivers at operators ay maaari nang maghain ng aplikasyon […]
-
NLEX sablay sa bentahan vs barat na buyer
BUKING na sa sektor ng negosyo na pinagbibili na ng may-ari ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors ang prangkisa nito sa Philippine Basketball Association (PBA). Nabatid sa isang impormante na may nakikipagnegosasyong isang malaking kompanya sa pangasiwaan ng Road Warriors para sa bentahan ng isa sa tatlong PBA team ni Manuel V. […]