Kaya may sagot at pakiusap sa bashers: PIA, tinawag na ‘trying hard and copycat’ ni HEART
- Published on March 7, 2024
- by @peoplesbalita
SINAGOT na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga natatanggap niyang bashing mula sa netizens simula nung uma-attend siya ng mga fashion events abroad.
On Instagram, kunsaan nag-share ng reel si Pia sa pagrampa niya sa Paris Fashion Week, sinagot niya sa comment section ang ilang pang-ookray sa kanya.
Ilan sa nakuha ng comments ni Pia ay “second-rate, trying hard, copycat” daw siya ni Heart Evangelista, hindi raw bagay sa kanya ang mga designer clothes at nagmumukha raw baduy sa kanya, ill-fitting daw ang ilang suot niyang damit at nakakahiya, bulag daw ba ang stylist niya dahil hindi raw coordinated ang mga suot niya, huwag na lang daw siyang magsalita sa vlog niya dahil panira ang pag-buckle niya kapag nagsasalita siya ng ingles.
Heto ang sagot ni Pia: “I’ve been seeing all these nasty comments, below-the-belt name-calling, and accusations aimed towards others. Everyone should be reminded that this bickering, pitting women against each other, and pointing fingers isn’t right.
“Please stop fighting. I want to ask everyone, my supporters especially, as I always did even years ago during my Binibini or Miss Universe days, please do not pull other people down, lest to defend me.
“That is not what I want. And that’s not what I stand for. There is so much room in this world for everyone to shine.”
***
KABILANG si Zonia Mejia sa mga kontrabida ni Jo Berry sa ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’.
Kuwento ng Kapuso actress, gusto na raw niyang maiba ang image niya para mas mabigyan siya ng mga challenging roles.
“I really auditioned for the role of Trixie, yung half-sister i Lilet na isang influencer pero maldita at mapang-api. I want to try doing different roles na kasi lagi nilang sinasabi na I look too sweet to be a kontrabida.
“Kaya when I auditioned, iniba ko ‘yung look ko pati na yung paraan ng pagsalita ko. Natuwa ako when I got the part,” sey ni Zonia na sa first day taping pa lang ay tinaray-tarayan na niya si Jo sa kanilang eksena.
Nabuwag na raw ang loveteam ni Zonia with Jamir Zabarte. Ni-launch ang JaNia noong 2022 bilang Sparkle Sweethearts kasabay nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara (MavLine), Althea Ablan and Bruce Roeland (AlBruce), Abdul Raman and Shayne Sava (AbdAyne) at Allen Ansay and Sofia Pablo (AlFia).
Lumabas ang JaNia loveteam sa mga shows na Heartful Cafe at Jose & Maria’s Bonggang Villa. Nagpe-perform din sila sa All-Out Sundays.
“Kami naman po ni Jamir, we still work pa rin po sa mga hosting gigs like I Bilib, AOS and other shows. Pero sa mga teleserye po, hindi po muna kami magsasama. Napag-decide po ang management na mag-kanya-kanya muna para makapag-explore kami individually sa career po namin. ‘Yung loveteam lang ang nawala, pero hindi po mawawala ‘yung friendship namin. I always wish Jamir the best sa mga ginagawa niya ngayon,” sey pa ni Zonia.
***
SA edad na 72, ageing gracefully ang original Wonder Woman na si Lynda Carter!
Namataan sa Paris Fashion Week si Lynda at marami ang namangha sa ganda niya na di kumukupas.
Inamin ng aktres na except for some minor botox, wala raw siyang pinabago sa mukha niya. Hindi raw siya fan ng facelifts.
“People still recognize me all the time as Wonder Woman. I don’t cut my face, so I probably look just myself, but older. And the reason I’ve never had any facial surgery is just because I’m afraid. It’s scary, because we’ve all seen some bad ones,” sey niya.
Hindi na raw nagmahal ulit si Lynda after pumanaw ng husband niyang si Robert Altman noong 2021.
Parati niyang kasama ay ang 32-year old daughter niya na si Jessica na lookalike niya at rumampa sila sa Paris Fashion Week.
(RUEL J. MENDOZA)
-
VP Leni, bakunado na laban sa Covid-19
NABAKUNAHAN na noong Miyerkules si Vice President Leni Robredo gamit ang AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Quezon City. Ito ang first dose ni VP Leni laban sa Covid -19. Sa isang kalatas, sinabi ni VP Leni na natanggap niya ang kanyang unang bakuna kasama ang mga miyembro ng kanyang staff lalo pa’t lahat sila […]
-
AGA at NADINE, muling masusubukan ang lakas sa takilya
SI Nadine Lustre ang naging bida sa ‘Deleter’, na naging topgrosser ng MMFF 2022. Ang nasabing pelikula pa rin ang humakot ng awards kasama na ang Best Actress award ni Nadine. Matatandaang si Aga Muhlach naman ang bida sa ‘Miracle in Cell No. 7’, na naging topgrosser ng MMFF 2019. Ngayong paparating […]
-
Speaker Romualdez suportado pagdalo ni PBBM sa ASEAN summit sa Laos
BUO ang suporta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ika-44 at ika-45 na ASEAN Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic (LPDR). Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagtitipon upang matugunan ang mga isyu na nakakaapekto sa rehiyon gayundin sa interes ng Pilipinas […]