• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya nagpapaganda ng katawan: KRISTOFFER, naghahanda sa pagsali sa triathlon at sa mega serye

MAY dahilan kung bakit nagpapakondisyon at nagpapaganda ng katawan niya ang Kapuso hunk na si Kristoffer Martin. 
Naghahanda siya para sa kanyang pagsali sa triathlon.

Sa Instagram, nag-post si Kristoffer ng isang video kung saan makikita ang bortang katawan niya na subsob sa workout at training.

Nilagyan pa niya ng caption na: “And so it begins. # Triathlon #Training”

Ang triathlon ay “athletic contest consisting of three different events, typically swimming, cycling, and long-distance running.”

Swimmer si Kristoffer noong high school pa lang ito kaya ang pinagbuhusan niya ng panahon ay ang pagtakbo at ang cycling na kelan lang ay napabalunan niya ng medalya.

Nakilahok si Kristoffer sa Taktak Cycling Challenge na ginanap noong nakaraang Sabado, December 17 sa Daang Bakal Road, Taktak, Antipolo City.

Post niya sa IG: “FIRST OF MANY. Ang sarap pala magka-medal. Hahaha. Really enjoyed the TakTak100 (kahit 50km lang talaga sinalihan ko). Well organized event. Congraaats team Taktak!”

Bukod sa kanyang sports, pinaghahandaan na rin ng aktor ang mga magiging action scenes niya sa 2023 mega serye na Urduja’s Jewels kunsaan bida sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Kasama rin sa cast sina Zoren Legaspi, Jeric Gonzales, Michelle Dee, Rochelle Pangilinan, at Arra San Agustin.
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Panawagang tambalang Duterte-Duterte sa 2022 presidential election, hindi galing sa gobyerno-Sec.Roque

    HINDI nanggaling sa administrasyong Duterte ang panawagan na Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential polls.   Lumutang kasi ang ticket na Davao City Mayor Sara Duterte para sa pagka-pangulo habang ang kanyang ama naman na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, bilang kanyang running mate.   “Hindi po galing sa gobyerno yang Duterte-Duterte,” pagtiyak ni Sec. Roque. […]

  • VCM ng Smartmatic ‘di na gagamitin ng Comelec

    HINDI NA gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic sa mga susunod na eleksyon makaraan ang kabi-kabilang ulat ng pagkasira o pagloloko ng mga ito sa iba’t ibang polling precincts sa bansa.     Sa pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ngayong May […]

  • NAIA flights tigil muna dahil sa technical issues – Civil Aviation Authority of the Philippines

    KINUMPIRMA ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, na suspendido ngayon ang mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil may mga tinutugunang technical issues kaugnay ng napabalitang mga naantalang biyahe ng eroplano ngayong araw. Batay sa report nagkaroon ng problema ang air navigation facilities ng CAAP. Dahil dito, ang […]