Pagkamatay ng mga high profile inmates sa NBP, iimbestigahan
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Welcome umano kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng mga high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP).
Una rito, nagpalabas ang DoJ ng departm order (DO) para magsagawa na ang NBI ng malalang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga high profile inmates.
Base sa DO 179 na pirmado ni Justice Sec. Menardo Guevarra, binigyan lamang niya ang NBI ng 10 araw para imbestigahan ang kontrobersiyal na isyu.
Inatasan din niya si NBI Officer-in-Charge (OIC) Eric B. Distor na magsumite ng progress report sa tanggapan mismo ng justice secretary kapag natapos na ang isinasagawang imbestigasyon.
Kapag nakitaan daw ng sapat na ebidensiya kung meron man ay kailangang sampahan ng NBI ng karampatang kaso ang mga sangkot sa insidente.
Kahapon nang magtungo si Bantag sa DoJ mtapos siyang ipatawag ni Guevarra dahil sa pagkamatay ng mga high profile inmates na kinabibilangan ni Jaybee Sebastian na tumestigo noon laban kay Sen. Leila de Lima dahil sa paglaganao daw ng iligal na droga sa loob ng pambansang piitan.
Sinabi naman ni Guevarra na na sumentro ang pagpupuong nila ni Bantag sa sitwasyon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa BuCor.
Kabilang na raw dito ang pagkamatay ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na humaharap sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs.
Ayon daw kay Bantag, 21 na PDLs ang kumpirmadong namatay dahil sa coronavirus mula noong buwan ng Marso.
Siniguro naman daw ni Bantag na under control na ang health situation sa BuCor.
Sa ngayon, nasa limang PDLs na lamang daw ang nasa isolation facility ng NBP o mas kilalang Site Harry.
Ang Site Harry ang pinakamalaking quarantine at isolation facility sa BuCor na mayroong 300 bed capacity.
Ipinarating din umano ni Bantag na ang sinusunod nilang protocol ay ang mandatory cremation ng mga bangkay sa loob ng 12 oras para mapigilan ang pagkalat pa ng virus.
Kaya naman agad daw isinailaim sa cremation ang bangkay ni Sebastian 12 oras matapos itong mamatay. (Daris Jose)
-
Mass wedding, pinapayagan na ngayong pandemic – DILG
Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaaring magsagawa ng mass wedding kahit nasa gitna pa ng pandemic ang bansa. Kailangan lamang daw siguraduhin ng mga local government units (LGUs) na nasusunod pa rin ang mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno. Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na papayagan […]
-
Korea umatras na sa FIBA Asia Cup qualifiers dahil sa banta ng COVID-19
UMATRAS na ang Korea sa pagsali sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin ngayong buwan sa Manama, Bahrain. Ayon sa Korea Basketball Association (KBA) na dahil sa pangamba ng COVID-19 sa mundo ay kaya sila nagdesisyon na umatras na. Nakatakda sanang makaharap nila ang Gilas Pilipinas sa Nobyembre 28 at ang koponan […]
-
Kung mabibigyan ng pagkakataon: JULIE ANNE, pinapangarap ni Kapuso Soul Balladeer GARRETT na maigawa ng kanta
NAIS ni Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden na sumulat ng songs para kay Julie Anne San Jose. Sobrang bait daw kasi si Julie at may naiisip na raw siyang song na bagay dito. “If I were given a chance, I would really love to write a song for her. Nung umpisa […]