• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya tinanggap agad ang movie with Gerald: KYLIE, ‘di itinanggi na dumaan din sa mental health issue

MATAPANG na tumatalakay sa isyu ng mental health at suicide ang isa sa official entry sa Summer Metro Manila Film Festival na “Unravel” mula sa MavX Productions at kunsaan, kinunan buo sa Switzerland.

 

 

 

First time na pinagtatambalan ito nina Kylie Padilla at Gerald Anderson. At hindi itinanggi ni Kylie na siya mismo, dumaan din sa mental health issue. Inamin din niya na kinailangan din niyang kumonsulta ng professional help, lalo na sa mga pinagdaanan niya.

 

 

 

“Yes, I have… actually, I was diagnosed with post-partum depression and anxiety pagkatapos kong manganak sa pangalawa,” pag-amin niya.

 

 

 

“So I understand so much, ‘yung pinagdadaanan nila. And also, natutunan ko do’n, whenever you feel na you’re in a place na medyo dark, do’n ka dapat mag-speak-up lalo.

 

 

 

“Humingi ka ng tulong sa experts. Kasi, ‘yun ang chance to connect more. And I think, if ever na may message man, I think, that’s the message.”

 

 

 

At ito rin daw ang dahilan kung bakit nga tinanggap agad ni Kylie ang pelikula na kinuhanan buo sa Switzerland at mula sa MavX Productions.

 

 

 

Sabi pa niya, “That’s why I said yes sa movie, kasi, ‘yun ang gusto kong maramdaman ng mga tao na if ever you’re in his place, ask for help, connect with the people around you.

 

 

 

“We’re all humans and that’s something we experience together. Lahat tayo, we’ll go through it. Sana maalala natin na hindi tayo nag-iisa sa buhay.”

 

 

***

 

 

 

FIRST time pa lang pala na tumanggap ni Enchong Dee ng gay role.

 

 

 

At ito ay sa Summer Metro Manila Film Festival na “Here Comes The Groom” ng Quantum Films, Cineko Productions at Brightlight Productions.

 

 

 

It turns out, ang husay pala ni Enchong na gumanap ng isang gay, sa movie nga, transwoman pa bilang nagkapalit sila ng katawan ni KaladKaren or ni Jervi Li.

 

 

 

Sabi niya kung bakit daw siya tumanggap na ng gay role, “Bale po kasi, may mga pangyayari sa buhay natin na unexpected. Na akala ko, kapag meron nangyari sa buhay ko at nawala ‘yung mga bagay na ‘yon, I will be broken, I will be shattered, pero na-realize ko na when things started to change and fall, it was not bad.

 

 

 

“And na-realize ko na, okay, since nandito na ako sa situwasyon na ‘to ngayon at lalo na sa taong ito ngayon, I wanted to surprise my audience.

 

 

 

“I wanted to do something new to my audience that they will appreciate my craft and they will look at me as an actor and not someone who’s holding on sa past.”

 

 

 

Paulit-ulit na binabanggit ni Enchong ang “past” pero nang tanungin ito kung ano nga ang tungkol dito, sinabi na lang niya na, “Sigurado po ako na alam niyo kung ano ang nangyari sa past.”

 

 

 

Ang naiisip ng ilang press na um-attend ng premiere night ng “Here Comes the Groom” ay ang legal battle ni Enchong sa isang politician.

 

 

 

Sa isang banda, kahit ang director ng movie na si Direk Chris Martinez ay talagang hindi rin daw makapaniwala nang malaman na tinanggap ng ani Enchong ang movie kaya tuwang-tuwa raw siya.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Nakumpletong flagship infra projects, pumalo na sa 15 mula sa 119 —DPWH

    TUMAAS na sa 15, “as of June” ngayong taon ang bilang ng mga infrastructure flagship projects (IFPs) sa ilalim ng  “Build, Build, Build” initiative ng nagdaang administrasyon.     Sa isinagawang House Organizational Meeting of the Committee on Flagship Programs and Projects, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Senior Undersecretary Emil Sadain […]

  • DINGDONG at MARIAN, muling mapapanood sa primetime sa pagbabalik ng ‘Endless Love’

    MUKHANG inip na ang mga DongYan fans ng mag-asawang Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na mapanood silang magkasama sa isang serye.     Kaya umani ng maraming likes ang post ng GMA Network na muling mapapanood sa GMA Telebabad ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Endless Love […]

  • Velasco nasa likod ng “ouster plot” – Cayetano

    Tahasang ibinuking ni House Speaker Alan Peter Cayetano na Chairmanship sa ilang Committee sa Kamara at budget allocation ang ipinapangako ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa mga mambabatas sa harap ng usapin ng kudeta laban sa kanyang pamumuno.   Ayon kay Cayetano, “verified” umano ang report ukol sa tangkang pagpapatalsik sa kanya bilang House […]