• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya walang naging aberya sa pagsasagawa ng BSKE 2023: Suplay ng kuryente, normal- DOE

NANATILING normal ang suplay ng kuryente habang isinasagawa ang botohan para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), araw ng Lunes, Oktubre 30. 
Sa  naitalang situation report ng Department of Energy (DOE),   sinabi ng  DOE-led Energy Task Force Election na “all power generation plants are in normal operation,” maliban sa  Ilijan plant at SLPGC Unit 1 sa Batangas, TAREC sa Guimaras, at Panay Diesel-fired Power Plant sa Iloilo, na nakaranas ng mechanical at technical issue.
Idagdag pa rito, sinabi ng DOE na ang lahat ng transmission facilities ay nasa ilalim ng normal operation, base naman sa report ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Winika ng NGCP na ang “transmission lines and facilities are under normal operations.”
Samantala, sa ipinalabas naman na advisory ng Meralco, itinuturing na largest power distribution utility ng bansa,  na ang voting period para sa 2023 BSKE ay natapos nang walang anumang  “major power interruption.”
“Minor incidents that were reported were isolated and immediately resolved with the help of our crews who are strategically positioned across our service area,” ayon sa Meralco.
“Meralco will remain on full alert and ready to respond to any possible electricity service concern until the end of the electoral process,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
Other News
  • Utos ni PDu30 kay Sec. Galvez, manatili sa ‘game plan’; dedma na sa imbestigasyon

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na manatili sa kanyang “game plan” para sa pag- rollout ng coronavirus vaccines sa kabila ng pagdududa ng ilang mambabatas sa presyo at epektibo ng bakuna na bibilhin ng pamahalaan. “I’m telling now General Galvez: ‘Yung game plan niya, sundin niya. With […]

  • Gobyerno, transparent sa human rights situation ng Pilipinas

    BUKAS ang gobyerno ng Pilipinas na pag-usapan ang situwasyon ng karapatang-pantao sa bansa.     At ito’y may sapat na kakayahan para tugunan ang mga paglabag.     Ito ang sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Undersecretary Paul Gutierrez kasabay ng pagtatapos ng 10-day visit ng United Nations (UN) Special […]

  • DOTr, handa sa dagsa ng biyahero sa Undas

    TINIYAK  ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na handa na ang sektor ng transportasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa Undas.     Ayon kay Bautista, pina­lawak na nila ang air, land, at sea travel units upang ma-accommodate ang bilang ng mga pasahero na inaasahang bibiyahe sa […]