• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KC, isa lang sa sobrang proud at palaging nakasuporta: MIEL, matapang na inamin na belong siya sa LGBTQ+ community

MATAPANG na inamin ni Miel Pangilinan, bunsong anak na babae nina Megastar Sharon Cuneta at former Senator Kiko Pangilinan na she is a member of the LGBTQ+ community.

 

Sa isang mahabang post sa kanyang IG account (@mielpangilinan) ay inamin ni Miel na belong siya sa Pink Community:

 

“this june, i am celebrating my first pride month as openly and publicly queer. :,)

 

 

“i really can’t figure out the words to say right now. it’s a really emotional and freeing time right now, and i’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as i’ve grown and explored my own gender and sexual identity.

 

 

“i know it sounds silly, but posting this truly feels cathartic. i’ve spent so many sleepless nights over the span of much of my childhood and teenage life worrying and wondering about a plethora of things surrounding my identity, and it only feels right that i post this at the point i’m in now where i’m comfortable enough in who i am and who i love and how i choose to present. it’s kind of a full circle moment for me, in a way.

 

 

“also incredibly thankful that i am able to safely celebrate my identity this year, as i know there are many of people in this country that don’t have the same privilege. we’ve got a long way to go in terms of our fight for equality, but that is not to discredit the work and sacrifices made by queer filipinos throughout history and in the present day, who have done so much to make our voices heard and have helped us go farther than where we were before.

 

 

“i’ve also got a lot to learn and understand as a newer member of the filipino queer community, and i’m trying my best to educate myself on current situations and present issues relating to gender equality and LGBTQ+ rights in our country, and i am always open to learn as much as i can especially from other figures in our community. happiest and safest of pride months, allies and members of the queer community alike. #prideph #phpride #pridemonth #pride #sapphic #queer

 

 

and yes i am the gay cousin.”

 

 

Nag-comment naman ang eldest sister ni Miel na si KC Concepcion at Judy Ann Santos.

 

 

Sabi ni KC, “I am so proud of you!!! I love you sister. I’m always going to be here for you as your <<ate>> no matter what. Happy pride!!!

 

 

Post naman ni Juday, “We love you yellie!”

 

 

Ito naman ang reaction ni Megastar Sharon Cuneta sa post ng kanyang anak na si Miel: “All I will say is that I LOVE ALL MY CHILDREN WILL SUPPORT THEM IN THEIR LIVES AND CHOICES. I am proud of my children and ALL MY CHILDREN ARE PERFECT. I love you, my Miel.”

 

Mahirap pang makausap nang face to face si Mega sa panahon itong dahil abala ito sa rehearsal ng kanyang Iconic concert with Ms. Regine Velasquez na gagawin this June 17 and 18 sa Marriott Hotel Ballroom.

 

 

Now that Miel has come out, may special song kaya si Sharon na gustong ihandog sa kanyang anak?

 

 

Excited na kami na mapanood ang repeat ng Iconic concert nina Sharon at Regine dahil mas maganda raw ito compared sa unang concert three years ago.

 

 

Isa pa, it has a different director now, na si Paolo Valenciano. Si Rowell Santiago ang director ng Iconic nang itanghal ito sa Araneta Coliseum in 2019.

 

 

***

 

 

MATATAPOS na nga kaya ang FPJ’s Ang Probinsyano?

 

 

Sa teaser kasi na ipinalabas noong Tuesday ay nagkita na rin finally ang mga miyembro ng Task Force Agila at ang si President Oscar Hidalgo.

 

 

Ang muling pagkikita ni President Hidalgo at ng Task Force ang inaasahang magiging hudyat nang pagbabalik ng legitimate president sa seat of power na pinag-aagawan nina Madam Lily (Lorna Tolentino) at Renato Hipolito (John Arcilla).

 

 

Sa episode nga noong Tuesday ay biglang nag-away ang grupo nina Geoff Eigenmann at Richard Gutierrez dahil kay Cardo Dalisay (Coco Martin). Yung mga dating magkakampi ay nag-aaway na.

 

 

May tinanong kami kung mamamatay ba si Cardo?

 

 

Ang sagot sa amin, “Hindi pa. Mas maraming magandang episodes pa mapapanood ang audience. Hindi pwedeng mamatay si Cardo. Matatapos ang show pag namatay si Cardo.”

 

 

May point naman siya although ang comment naman ng ibang nanonood bakit parang di na realistic na hindi pa rin napuruhan si Cardo.

 

 

Well, ganyan naman talaga ang kwento ng teleserye. Maraming pasikut-sikot na kung iisipin mo ay parang ‘di na makatotohahan.

 

 

Pero aminin natin, marami pa rin naman sumusubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Kerwin ibinunyag si ex-PNP chief Bato ang nag-‘pressure’ para idiin si De Lima, Lim sa illegal drug trade

    IBINUNYAG ng umano’y drug lord na si Rolan “Kerwin”Espinosa na prinessure umano siya ni noon ay Philippine National Police chief, at ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, noong 2016 na aminin na sangkot ito sa illegal drug trade at isangkot ang ilang high-profile individuals, kabilang na sina dating Senador Leila de Lima at businessman […]

  • Marcial ibabalik ang mga laro sa iba’t ibang lalawigan

    SINIGURADO ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Wilfrido Marcial na muling darayo ang mga laro ng propesyonal na liga sa iba’t ibang probinsya kung magkakabakuna na sa  Covid-19 sa taong ito.     “Kapag may vaccine, kahit saan darayuhin ng PBA On Tour,” pahayag ng 59-anyos na komisyoner kamakalawa. “Sana hindi na bubble. Kung may […]

  • LAKERS, ALAY KAY ‘BIG BROTHER’ KOBE BRYANT ANG NBA CHAMPIONSHIP

    INIALAY ng Los Angeles Lakers sa namayapang basketball icon na si Kobe Bryant ang kanilang pagkampeon sa NBA Finals.   Maaalalang nagulantang ang buong mundo sa biglaang pagpanaw ni Bryant, anak nitong si Gianna at pitong iba pa nang bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa bahagi ng California noong buwan ng Enero.   Ayon kay […]