• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot arestado sa P102K shabu sa Valenzuela

KULONG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Allan Warde, 39 ng Lawa Meycuayan, Bulacan.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation kontra sa suspek sa harap ng covered court Garnett St., Brgy. Lawang Bato.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Josem Dela Rosa na nagpanggap na poseur-buyer sa suspek ng P8,000 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang sa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000.00, buy-bust money, P440 cash, cellphone at Marlboro cigarette pack.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Direk DARRYL, ‘di kailangan ang fandom tulad ng JaDine para I-promote ang movie; Boss VIC, pinahanga nina AUBREY at MARCO

    SA digital mediacon ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso na hatid ng Viva Films, natanong ang blockbuster director na si Direk Darryl Yap kung ano ang masasabi niya sa bagong tambalan nina Marco Gallo at Aubrey Caraan.     Nag-e-edit na raw siyang next movie niya na Sarap Mong Patayin, kaya wala na sa […]

  • Kai Sotto hindi na isinama ng Gilas Pilipinas sa kanilang laban sa 2022 FIBA Asia Cup

    HINDI na isinama ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para sa 2022 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Indonesia.     Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Chot Reyes, na makailiang beses na silang nakipag-ugnayan sa kaniyang handler sa East West Private subalit wala silang natatanggap na anumang kasagutan.     Dahil […]

  • Grupo ni Manny Pangilinan may planong magkaroon ng buy out sa Ayala’s LRT1 stake

    TULOY ang plano ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) sa ilalim ni Manny Pangilinan na bilihin ang 35 porsiento investment ng mga Ayalas sa operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) upang mas mapalakas ang MPIC’s portfolio na siyang magbibigay daan sa tuluyang pag-bid sa nasabing railway.       “Our company is looking […]