Kelot, bebot kulong sa droga at pagpalag sa parak sa Caloocan
- Published on November 1, 2024
- by @peoplesbalita
HIMAS-REHAS ang dalawang drug suspects, kabilang ang 54-anyos na ginang matapos mabisto ang dalang shabu makaraang manlaban umano sa mga pulis na mag-iisyu sa kanila ng tiket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Disobedience to a Person in Authority or his Agent at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ciriaco”, 42 at alyas “Annalyn, 54, kapwa residente ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi, nagsasagawa ng foot patrol sa kahabaan ng D. Arellano St., Brgy., 133 ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS5) nang makita nila ang mga suspek na nagyoyosi sa pampublikong lugar na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay itinulak umano ng mga suspek ang mga arresting officer saka tumakbo para tumakas kaya hinabol sila ng mga parak hanggang sa makorner.
Gayunman, nanlaban pa rin umano ang mga suspek subalit, hindi naman natinag ang mga pulis hanggang magawa silang maaresto at nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng nasa 2.6 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P17,680. (Richard Mesa)
-
P1 bilyon sa health workers na nagka-COVID-19, inilabas
MAHIGIT sa P1 bilyon ang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa sickness at death benefits ng public at private healthcare workers at mga hindi health workers na tinamaan at matatamaan ng COVID-19 habang nagsisilbi sila sa gitna ng pandemya. Sinabi ng DBM na sakop nito ang mga nagkaroon ng […]
-
Administrasyong Marcos, “double time” sa pagtatrabaho para mabawasan ang posibleng epekto ng El Niño phenomenon
DOUBLE TIME ang administrasyong Marcos sa pagtatrabaho para bawasan ang panganib at negatibong epekto ng El Niño phenomenon. Sa three-page report ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na muling binuo ng gobyerno ang “El Niño team” sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government […]
-
SRP sa mga basic necessities at prime commodities hindi magkakaroon ng pagbabago – DTI
WALANG inaasahang paggalaw sa presyo ng mga basic necessities at prime commodities na nasa ilalim ng suggested retail price (SRP) na binabantayan ng Dept of Trade and Industry (DTI). Sinabi ni DTI Usec Ruth Castelo na bagaman may mga manufacturer na humihiling na magtaas sila ng presyo sa kanilang mga produkto, binigyang diin […]