Kelot, isinelda sa kinulimbat na mga gadgets
- Published on February 26, 2025
- by Peoples Balita
KALABOSO ang 22-anyos na part-time worker ng isang bodega ng iba’t-ibang produkto nang kanyang tangayin sa tanggapan nito ang mga gadgets sa Valenzuela City.
Ani Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, natuklasan ng Human Resource Manager ng Surewin Household Corp. sa Malakas St., Brgy. Dalandanan na si alyas “ Ela”, 27, ang pagkawala ng dalawang laptop at dalawang cellular phone ng may kabuuang halagang Php105, 000.00 nang buksan niya ang kanilang opisina dakong ala-12:41 ng Linggo ng hapon.
Nang personal niyang rebisahin ang kuha ng CCTV ng kompanya, dito niya natuklasan na ang kanilang part-time na kawani na si alyas Ranuel ang tumangay sa mga gadgets kaya i-nireport niya ang insidente sa barangay.
Sunod na humingi siya ng tulong sa mga tauhan ng Police Sub-Station 6 kaya sinamahan siya ng mga tauhan ni SS6 Commander P/Capt. Doddie Aguirre sa Police Detective Unit ng Valenzuela police.
Sa ikinasang follow-up operation ng mga tauhan ni Col. Cayaban, nadakip ang suspek sa kanyang bahay sa Area 4, Pinalagad, Malinta dakong alas-2:35 ng madaling araw.
Pagnanakaw ang kasong inihain ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office matapos mabawi sa kanya ang mga gadgets na kanyang kinulimbat sa tanggapan ng naturang bodega. (Richard Mesa)
-
Abalos, iniwan ang MMDA
TULUYAN nang iniwan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos ang kanyang posisyon dahil simula ngayon, Pebrero 8 ay tatayo na siyang bilang campaign manager ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. “I would like to announce that I am resigning as MMDA chairman,” ayon kay Abalos. Sinabi nito na naisumite […]
-
BAHAY SA NAVOTAS, NI-LOCKDOWN
ISINAILALIM ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang isang bahay sa lungsod matapos may 10 na miyembro ng pamilya ang nagpositive sa COVID-19, alinsunod sa IATF guidelines. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang mga nakatira sa naturang bahay ay sinuotan na ng quarantine band para mabantayan na hindi sila lumabas ng bahay. […]
-
PAGLALAGAY NG GREEN LANE PARA SA MAG BAKUNADONG DAYUHAN, IPINANUKALA
SUPORTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala na payagan ang mga fully vaccinated na mga dayuhan na pumasok sa bansa upang muling pasiglahin ang industriya ng turismo at buksan ang hangganan ng bansa. Sinabi ni BI Commissioner Jame Morente na sinusuportahan nila ang paglalagay ng green lane para sa mga dayuhan na […]